Chapter 8

113K 2.7K 360
                                    

TKP 8

"Hayaan mo na lang siguro muna, titigilan ka rin nila." Ani Loraine habang nag susulat sa papel. Nasa bahay kami ngayon ng kaklase naming si Kelly, sa isang sikat na subdivision na puro mayayaman at may kaya lang ang nakatira.

Nag kibit balikat ako. "Sana nga. E wala na naman kami ni Kharl eh."

Tumingin sya saakin habang nakanguso. "Bakit pala kayo nag hiwalay?"

Bumuntong hininga ako at niligpit ang mga gamit ko. Tumingin ako sa kanya at napa irap.

"Hmm.. ayun. Pinagpustahan lang pala ako." Simpleng sabi ko. Naninikip na naman tuloy ang dibdib ko habang inaalala si Kharl.

Nanlaki ang mga mata nya at tumingin saakin nang hindi makapaniwala. "No way!"

Tumango ako. "Oonga," Iling ko. "Hindi naman kasi sya yung ganung klaseng tao, diba? Kaya ang hirap paniwalaan."

"Tss.." Nag halumbaba sya sa harapan ko at tumitig saakin. "Pano nya nagawa yun? Akala ko pa naman seryoso sya sayo."

Tumango ako. "Akala ko rin. Wag na nating pag usapan."

"Pero kasi.. imposible e. Ang trato nya sayo prinsesa, kina-ilagan ka sa school dahil sa kanya. Sumikat ka dahil sa kanya. Tapos iyon lang yun? Yes! Sabihin na nating hindi ka pa na kakaboyfriend kaya marami ang may gusto sayo, pero hindi si Kharl yung tipo ng ganun.." Nag iisip pa sya ng sasabihin pero pinutol ko na.

"Looks can be deceiving." Simpleng pahayag ko.

Ngumisi lang sya at umiling. "Pero teka lang ah? Bakit mukhang close kayo ng bagong classmate natin? Ni Pierce?" Tumingin sya sakin ng makahulugan. "Hmm?"

Umirap ako. "Ano ka ba!" Hinampas ko sya at pakiramdam ko ay nag iinit ang pisngi ko. "Anong close doon? Ang sungit kaya ng lalaking yun!"

"Oo nga, masungit sya. Pero iba sayo eh. Parang may iba?" Nakagat nya ang labi nya habang nag iisip. "Anong meron sainyo? Pinag uusapan kaya kayo.."

Napalobo ko ang pisngi ko sa pag iisip. Alam ko naman na pinag uusapan kami, "Wala yun, sakto lang talagang lagi kaming nag kakasama." Sabi ko at umupo ng maayos.

"Pero aminin mo!" Tinulak-tulak nya ako. "Grabe ang ka-gwapuhan nya, diba?!"

Natawa na lang ako. "Tss.."

"Teka.." Minanmanan nya ang itsura ko. "Don't tell me.. si Kharl pa rin?"

Umirap ako at napasinghap. "Hindi naman madaling kalimutan si Kharl eh.." At bakit ba nasingit na naman si Kharl sa usapan namin?

Napasinghap sya. "Tsk! Isang buwan lang kayo pero--"

"Dalawa." Pag tatama ko. "Mahal ko sya, Loraine. At alam kong hindi lang pag arte ang pinakita nya saakin." Pag kumbinsi ko sa kanya-- o baka nga sa sarili ko.

"O? At gusto mong paniwalain ang sarili mo, teh?" Padabog nyang nilapag ang kamay nya sa lamesa. "Diba nga? Si Elaine talaga ang gusto nya noon palang? Malay mo instrumento ka lang sa kanya para makuha nya si Elaine, tagal nya na kayang nililigawan yun!" Concern na sabi nya.

Umirap ako. "Oo na. Si Elaine na nga." Tumayo ako at kinuha ang bag sa gilid. "Sige na alis na ako."

"Alis ka na, Princess?" Hindi mawala ang ngiti ni Kelly sa mukha nang narinig ako.

Tumango ako. Ihinatid nila ako sa baba. May tatapusin pa kasi silang iba pang assignments.

"Princess, madadaanan mo d'yan ang bahay nila Pierce, kulay puti 'yon, halos made of glass ang buong bahay." Kumindat sa akin si Kelly.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon