TKP 12

89K 2.5K 243
                                    

12: Fierce

Bumalik ang principal nung mga oras na yun at pinayagan na akong umalis. May pinagawa lang saakin bilang parusa pero pagkatapos ay wala na akong alam sa nangyari kay Pierce.

Napakiusapan kaya ni Mrs. Jimenez ang principal? I hope so.

"Ate, si ate Loraine nasa labas." Sabi ni Sam na nakasilip ngayon sa kwarto ko.

"Huh? Papasukin mo!" Sabi ko.

Hindi naman nagtext saakin si Loraine na pupunta ah? Maya-maya lang ay pumasok si Loraine at may dalang mga pagkain.

"Uy!" Tumayo ako para tulungan sya sa mga dala nya. "Hindi ka man lang nagtext na pupunta ka?"

Nilapag namin ang mga dala nya sa maliit na table malapit sa kama ko. Sinara nya ang pinto at mukha syang masayang masaya. Ngumisi sya at nagtatalon.

"Oh my god Cess! Kami na ni Enzo!" Hiyaw nya at yumakap saakin.

"Enzo.. Castillo?" Takang tanong ko.

Tumango sya ng maraming beses at kilig na kilig na humiga sa kama ko. "I can't believe it until now!"

Ngumisi ako sa kanya at natawa na rin. Si Enzo ay isa sa mahabang listahan nya ng crush. 4th year din si Enzo at oo, gwapo.

"So.. celebration ba to?" Nakangising tanong ko.

Ngumisi sya saakin. "Yes! 5 hours na kami."

Nakakatuwa syang panuorin. Ang makitang ganito sya ulit saakin kagaya ng dati ay nakakataba ng puso. Parang sobrang close na ulit kami dahil alam ko namang medyo awkward sya saakin dahil iniisip nyang malaki ang kasalanan nya na iniwan nya ako. Sa totoo ay wala na talaga iyon saakin.

Sabay kaming nagtawanan. Nanuod din kami ng movie pero hindi naman namin iyon naiintindihan dahil kwento sya ng kwento saakin

"Grabe! I know naman na malandi ako pero hindi ko aakalaing bibigay ako sa kanya sa loob ng dalawang araw." Tumawa ako sa sinabi nyang kabaliwan. Tama ba namang sabihin iyon sa sarili?

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa pumasok sa kwentuhan si Mikaella.

"Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ni Mikaella." Lumungkot ang boses nya. "You know.. sinabi nya saakin ang tungkol sa mga babaeng nangbully sa kanya sa cr at ang sagutan nyo.. at sabunutan." Nagbuntong hininga sya.

Nanahimik lang ako at nakinig.

"Siguro naman halata mo na noon palang ay inggit na sayo si Mikaella, diba?" Sabi nya.

Kumunot ang noo ko. "Ha?"

"Oo, inggit sya sayo at gustong-gusto nya si Kharl. Lalo syang nainis sayo noong naging kayo na."

Nakagat ko ang labi ko at nag-isip. Hindi ko pa rin masyadong maintindihan. Hindi ko aakalaing may gusto pala sya kay Kharl. Hindi ko kailanman nalaman na gusto nya si Kharl.

"I'm sorry for not telling you agad, pero sa tingin ko talaga ay tama lang ang ginawa kong pananahimik. Besides, wala namang ginagawang masama si Mikaella noon bukod sa pagkekwento nya kung gaano sya naiinggit pag magkasama kayo and that she knows her place. Pero lumabas ang sama ng loob nya sayo noong wala ka ng kakampi."

Tumingin ako sa kanya at napalabi. "Hindi ko alam ang gagawin sa kanya, Loraine. Ayokong layuan ka pero ayoko rin namang layuan ka nila."

"Janica wouldn't do that. Isa pa, kung papapiliin nila ako, pipiliin kita. I'm sorry but I love you more than I love them."

Nagtawanan kami sa sagot nya.

Nawala din sa usapan namin ang tungkol doon pagkatapos ay lumipad naman ang usapan namin sa lalaking ilang oras ko ng iniisip kanina noong wala pa si Loraine.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon