Hi! Gusto ko lang magthank you sa lahat ng nagmemessage saakin, nagcha-chat at nagpopost sa message board ko. Binabasa ko po lahat yun pero hindi ko lang po narereplyan yung iba. But I want you all to know that I really appreciate it. Salamat sa mga nagbabasa parin kahit ang bagal ng ud, kapag nakaluwag na ako maga-update ako ng mas madalas :)
Tkp 30
Hindi ko alam kung ano ang irereply ko kay Pierce. Naisip ko na hindi na lamang magreply dahil hindi ko naman alam kung typo ba sya o ano. Pinapagulo ni Pierce ang isip ko!
Princess: Nagkamali ka ba ng naitype?
Ngumuso ako habang titig na titig sa screen ng cellphone ko. Hinihintay kong lumabas ang tatlong tuldok para may clue na ako na nagta-type na sya. God, Pierce.
Ngumisi ako nang makitang nagchat na sya ulit.
Pierce: Nope!
May emoticon pa doong devil na nakangisi. Baliw yata si Pierce pero tinawanan ko na lamang iyon.
Nagtype agad ako ng reply sa kanya.
Princess: Uy maliligo na ko ah. :)
Para akong tanga na sinasapak ang sarili ko. Sht. Ano naman diba, wala namang masama! Pero ang weird lang saakin. Nahihiya ako kay Pierce.
Anong iisipin nya sa smiley face na 'yun? Sht! Stop overthinking!
Ayoko nang basahin ang reply nya dahil ayoko nang tumigil sa pakikipagchat sa kanya. Ni hindi ko na yata gustong bitawan pa ang phone ko.
Pierce: Okay. Chat me when youre done.
Kumamot ako sa ulo ko at ngumisi na parang timang. Nababaliw na yata ako. Lalo lang nadadagdagan ang pagka-crush ko kay Pierce. Sana ay ngumingiti sya sa personal at dumadaldal rin. Hindi 'yung puro dito lang.
Bakit malakas lang ang loob nya kapag sa chat? Ganito ba lahat ng lalaki o talagang torpe si Pierce masyado?
Princess: Ok! Sasauli ko sayo bukas tong pinahiram mo sakin!
Hinintay ko syang magreply.
Pierce: You can keep it
Tumawa ako sa reply nya. Natutuwa lang ako. Sa wakas ay sinabi nya ring saakin na ito! Ang balak ko talaga ay hindi na isauli 'to dahil gusto kong magtabi ng ilang mga bagay na galing sa kanya. Ang totoo ay nasa akin pa ang panyo na ibinigay nya noong umiyak ako.
Pumasok ako ng banyo at naligo. Habang naliligo ako ay si Pierce lang din ang naiisip ko. Ang masungit na mukha nya at ang nakaka-in love nyang ngiti.
"Damn it, Jimenez." Nai-in love na yata ako sa kanya.
Pierce Jimenez. Puro si Pierce lang ang naiisip ko. Sa tingin ko ay more than crush na ito, pero less than love pa. Kaunti na lang talaga..
Pagkatapos kong makaligo ay nilingon ko ang bintana. Malakas na ang ulan. Hindi na rin halos matanaw ng maayos ang paligid dahil sa pagragasa ng mga matutulis na patak ng tubig. Kung malakas ang ulan kahapon ay mas malakas na talaga ngayon.
Naalala ko tuloy 'yung kahapon. 'Yung nakasandal ako sa pader at sya ay nasa harapan ko habang ang kamay nya ay nasa gilid ko.
Napabuntong hininga ako habang may tagumpay na ngiti sa labi. Masyadong maraming nangyari kahapon. Gusto kong balikan. Lalo na doon sa part na talagang pinayungan nya ako ng uniform nya. Meron syang sweet side, at gusto ko pa iyong makita.
Princess: Lakas ng ulan.
Sinend ko agad iyon kay Pierce nang makatapos akong maligo. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang conversation na 'to.