Chapter 5

109K 2.7K 577
                                    

TKP 5

Pagdating na pagdating ko sa bahay, nilabhan ko agad ang panyo na ibinigay saakin ni Pierce. Alam kong hindi nya na ito kukuhanin saakin, pero gusto ko itong itago.

"Ate, naano yang pisngi mo?" Tanong saakin ni Samuel. Ang grade six kong kapatid na lalaki.

"Wala, nagasgas lang dyaan." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagga-gawa ng assignments.

Si mama naman ay patuloy lang sa pagwa-walis ng bahay. Sakto lang kami. Hindi kami mayaman at hindi kami mahirap. Dalawa lang kaming mag kapatid. Ang papa ay nasa ibang bansa para mag trabaho, at si mama ay naandito para naman maalagaan kami.

"Bakit hindi na pumupunta dito si kuya Kharl?" Tanong nya saakin. Merong pagtataka sa mukha nya.

Napatingin ako sa kanya, si mama ay napatingin rin saamin habang nag wawalis.

"Break na kami.." Mahinang sabi ko na sapat lang para marinig nila.

Tahimik lamang si mama at ganun rin si Sam. Mukhang nalungkot sila para saakin. Pinag kibit balikat ko na lamang iyon. Matapos namin gumawa ng assignments ni Sam ay tinabihan ako ni mama habang nanunuod sa sala.

"Bakit kayo nag hiwalay?" Tanong ni mama saakin.

Ngumisi lang ako para hindi makita ang lungkot saakin. "Ganun naman talaga eh, ma. Highschool- Bata pa kami- Hindi nag tatagal- Makakahanap ng iba." Ganun ko lang kadaling nasabi yon. Kahit na sa totoo, masakit. Sya ang kauna-unahang boyfriend ko at hindi ko inaasahan na ganito ang kahihinatnan ng relasyong to.

"Pero sya ang first boyfriend mo, anak.." Ngumiti si mama. "First heartbreak rin ba..?" Malambing na tanong nya.

Tumingin ako sa kanya. Ngumiti ako ng hilaw at niyakap sya. Ito ang kailangan ko ngayon. "Ma.."

"Shh.. Ganun talaga. Sa highschool mo talaga mararanasan ang lahat." Hinaplos nya ang likod ko. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib.

Tumango lang ako at tahimik na naiyak sa yakap nya. Tama nga siguro si mama. Nang yayari naman talaga ito at mas ayos na sigurong maranasan ko to. Lahat naman ng nangyayari ay may dahilan.

"Kamusta si Loraine?" Tukoy ni mama sa bestfriend ko. "Alam nya ba 'to? Bakit hindi na sya nag pupunta rito?" Tanong nya.

Tahimik na umiling lang ako. "Busy, eh. Pero alam nya na ang tungkol dito.." Hindi ko sinabi sa kanya ang mga natatamo kong pangbu-bully sa school pati na rin ang pang iiwan saakin ni Loraine.

Tumuloy ako sa kwarto at nag pahinga. May klase pa kami bukas. Pag higa ko ay naalala ko nanaman si Pierce. Yung mukha nyang maamo pero masungit. Yung mukha nyang gwapo pero palaging nakasimangot. Ang maganda at inosente nyang mata. At ang matangos na ilong.

Hindi ako makapaniwala na iniisip ko sya ngayon, imbes na isipin si Kharl. Posible bang attracted ako sa itsura nya? Kun'sabagay, sino naman bang hindi? Totoo naman talagang gwapo sya.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko sa ilalim ng unan ko. Natigilan ako at hindi agad nakakurap.

One message from Kharl.

| From: Kharl - Pwede ba tayong mag usap? Nasa labas ako ng bahay nyo. Please? |

Nalaglag ang panga ko. Sumilip ako sa bintana ng kwarto at nakita kong nandoon nga si Kharl. Nakaupo sya at nakatitig sa sahig.

Mabilis akong nakalabas ng bahay. Naka pajama at tee shirt lang ako. Nang tignan ko sya ay naka suot sya ng simpleng tee shirt at jeans. Tumaas ang tingin nya saakin at meron syang guilty look sa mata. Hindi rin umiwas sa paningin ko ang isang pasa nya sa gilid ng labi.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon