Here is a short update. Will try to post more, sorry guys. :)
17: Safe
Hindi ko nakopya ang assignment ni Pierce. Hindi ko naman kasi dala ang notebook ko. Wala naman akong dinala kanina kundi ang sarili ko. Sila Victoria ang nagdala mg mga gamit namin.
Mabilis lumipas ang oras. Nang tumingin ang ako sa relo ko ay 6:00 na. Malapit ng magdilim.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ko. Nakahalumbaba lang ako habang nakatitig sa labas na medyo madilim na. Tumama ang malakas na hangin sa mukha ko na lalong nagpaantok saakin.
"Edi umuwi ka na." Ani Sandra. Sya ay patuloy lang sa pagsesearch ng kung ano. Kanina ay wala naman kaming ginagawa. Naubos lang ang oras sa pagtambay nila dito. Ngayon ay minamadali na nila.
Si Pierce naman ay nawala nang mga bandang alas-kwatro. Hanggang ngayon ay hindi pa sya bumabalik at nasa kanya pa ang cellphone ko.
Sa sobrang katamaran ay pinaglaruan ko na lang ang papel sa notebook ni Pierce na nasa harapan ko gamit ang ballpen rin ni Pierce.
Malinis ang notebook ni Pierce at wala pang gaanong sulat dahil kabibili nya lang nito nang sinabi kong dapat ay kumpleto sya sa gamit. Mukhang masunurin naman pala sya. Bakit kaya nahihirapan ang mommy nya na pasunurin sya?
Mula sa paghahalakhakan ay tumahimik sila Victoria. Kung tama ang naiisip ko ay paparating si Pierce. Saka lang naman tumitiklop si Victoria eh, kapag nandyaan lang si Pierce.
At tama nga ng hula ko. Huminto ang matangkad na si Pierce sa harapan ko at hawak nya ang cellphone ko. Pinapakita nya saakin ang screen nun at tumatawag na pala si mama?
Agad ko iyong kinuha sa kamay ng seryosong si Pierce. Pagkakuha ko ay umupo lang sya sa opposite side ko. Nakatingin lang sya saakin nang pindutin ko ang answer at kausapin si mama.
"Hello ma?"
"Bakit wala ka pa? Anong oras ka bang uuwi?" Tanong nya sa kabilang linya.
"Ahm.. uuwi na po ako maya-maya.." Sabi ko at nakagat ang labi. Napatingin ako kila Victoria na walang pakialam, ganun rin sila Sandra. Tanging si Pierce lang ang nakahalukipkip at nanunuod. Nakikinig ba sya?
"Umuwi ka na. Gabi na, Princess. Baka kung mapa-ano ka pa." Naramdaman ko ang mapagbantang boses nya.
Nagbuntong hininga ako. Mag-aaway lang kami ni mama kung hindi ko pa sya susundin. Isa pa, ang alam nya lang ay umalis ako ng bahay. Nagagalit sya kapag hindi si Loraine o kakilala nya ang kasama ko. "Opo ma.."
Nagpaalam na sya at pinatay ang tawag. Tumingin ako sa kanila pero mukha naman silang walang pakilam.. bukod kay Pierce na kanina pa ako pinapanuod. Ano bang problema ng isang to?
"Guys, alis na ako. Sa lunes ko na lang isusulat yan. Pang-umaga ba tayo dyan?" Tanong ko.