TKP 44
Tahimik naming nilakad ni Pierce ang daan papalabas ng school. Ang mabigat na hangin ay hindi ko yata kayang kayanin kaya naman nagsalita ako.
"Anong iniisip mo?" Natatakot kong tanong ngunit hindi ko iyon pinahalata sa kanya.
Natatakot ako sa katahimikan nya. Tahimik sya, pero hindi ganito katindi. Ayokong mag-isip sya ng mag-isip. Ayokong magcome up sya sa isang idea.
Idea na kagaya na lamang ng paggi-give up.
Kanina bago kami umalis ng classroom ay sinabi ko sa kanya ang lahat. Kung bakit ayaw sa kanya ni mama. Ang lahat ng kinuwento ni ma'am. Sinabi ko ang tungkol sa pangingi-alam ni ma'am Carmel. Kinuwento ko na magkaibigan sila.
Tahimik lamang syang nakikinig at walang sinasabi.
Matapos kong sabihin sa kanya ang lahat ay wala akong narinig na hinanakit mula sa kanya. Tahimik lamang syang nakayuko at nilalaro ang kamay ko na nakapatong sa desk.
Alam kong nasaktan sya pero hanggang saan ba si Pierce? Paano kung ayaw nya na? Paano kung masyadong syang nadismaya? Natatakot ako.
"Wala," Inakbayan nya lamang ako hanggang sa malagpasan na namin ang gate at ang guard.
Hindi ako mapakali. Alam ko kasing may tumatakbo sa utak nya. Alam kong may iniisip sya.
Nang makarating kami sa sakayan ay kumuha sya ng isang taxi at kinausap ang driver. Hindi ko narinig ang mga pinagusapan nila at tahimik ko na lamang hinintay si Pierce.
"Hindi kita maihahatid ngayon." Aniya. Hindi sya makatingin.
Naiintindihan ko naman pero ang sakit lang. Naapektuhan sya sa nangyayari at pati ang kinikilos nya. Naiintindihan ko naman. Dapat ay intindihin ko. Hindi nya kasalanan.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Sige, umuwi ka na rin ah?" Pinilit kong magtunog okay.
Ang bigat sa dibdib. Hindi ko man lang alam ang iniisip nya. Pwede bang wala? Nakakatakot eh. Kaya ayokong sabihin sa kanya, alam kong may magbabago.
Kumunot ang noo nya at pinagbuksan ako ng pinto. Nang makapasok ako ay hinintay kong isara nya ang pinto.
Nagsquat sya sa labas para magpantay kami. Malungkot ang mukha nya nang magtama ang mga mata namin. "Hey.."
"Hmm?" Tanong ko at nagkunwaring nag-aayos ng bag para hindi nya makita ang naluluha kong mata.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong nya.
Tumango-tango ako. "Oo, umuwi ka na rin.."
Naramdaman ko ang titig nya saakin. "Please don't be sad,"