TKP 31

97.2K 2.8K 1.1K
                                    

TKP 31

Ilang lunok na ang nagagawa ko pero hindi ko parin talaga maisip kung bakit naandito si Pierce at hinihintay ako.

Ang sarap lang sa pakiramdam, pero hindi ko rin masikmura ang mga nagtitinginan saamin. Ang mga mahahapding tingin. Nangke-question ang mga mata nila. Maiinit at nakakapaso.

"P-pierce, bakit sinundo mo pa ako?" Tumitingin ako sa paligid ng pasimple.

Cool at diretso lang sya sa pagtayo sa harapan ko pero hindi naman sya makatingin. Hindi nya pinapansin na nakaka-attract na kami ng masyadong maraming atensyon.

"Sinong nagsabing sinunsundo kita?" Nakangising tanong nya, sa harap parin ang tingin. "Sasabayan lang kita sa paglalakad."

Natawa ako sa kabila ng kabang nararamdaman. Nang tignan kong muli sya ay nakangisi parin sya. Nakangisi parin ang napaka-sungit nyang mukha.

Gusto kong mahiya na hindi. Sinimulan ko nang maglakad. Sumabay sya saakin. Weird, hindi na masyadong masungit ang lalaking 'to ngayon.

Naglakad na lamang ako kasabay ang sikat na lalaking 'to sa school na kilala bilang masungit at snob. Pero ngayon ay ngiting-ngiting naglalakad kasama ang isang tulad ko.

"Tss. Style mo, bulok." Sabi ko na lang para hindi nya mahalatang kinakabahan ako.

Bawat madaanan naman ay biglang tumatahimik at susunod ang titig saamin. Para kaming magnet na bigla na lamang nang-aagaw ng atensyon, paparating pa lamang.

Pakiramdam ko ay humaba ang daan papunta sa room namin. Minsan ay tumitingin ako kay Pierce na hindi masungit ang mukha, pero hindi rin naman nakangiti. Mukhang ang gaan ng pakiramdam nya ngayon hindi tulad ng dati na akala mo ay laging may kaaway.

Hindi ko sinubukang kausapin sya kahit mukhang makakausap naman sya. Hinayaan ko na lang sya na paminsan-minsan ay ngumi-ngisi ngisi.

Bago kami makapasok ng room ay may humarang saaming grupo ng mga kalalakihan. Matatangkad sila kagaya ni Pierce. Mga schoolmates ko sila at ka-batch. Ngising ngisi sila at mukhang natutuwa na makita kami.

"Hi, butterfly." 

Biglang lumitaw si Yvo, kumindat pa sya at kinurot ang pisngi ko.

Nakipaghigh five sya na tinugunan naman ni Pierce kahit na ngayon ay nakasimangot na si sungit. Ang lahat ng mga lalaki na iyon ay binati rin si Pierce at tinapik na para bang proud na proud sila para kay Pierce.

"Jimenez, nagbibinata ah!" Bati nung isa na hindi ko kilala. Sumulyap sya saakin at ngumiti.

Ngumiti na lang din ako. Nakaka-ilang dahil anim na lalaki sila, kasama si Pierce at naandito ako at nasa gitna nila. Marami ring nakakatakot na titig ang nakukuha ko mula sa mga nakakakitang estudyante na mga nakadungaw sa mga classrooms nila.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon