TKP 52

61.5K 1.9K 377
                                    

TKP 52 


Ako ang may dala ng wallet ni Pierce at bumaba ng hagdan para pagbuksan ang nagdeliver. Ngumiti saakin ang delivery boy at pinapasok ko sya dahil madaming dala. Nagbayad ako sa kanya at nagpasalamat bago sya umalis.


"Kret!" Tawag ko sa kapatid ni Pierce na naglalaro ng doll nya. "Lika, kain muna tayo.."


Masayang pumanhik saakin si Kret at naghatak ng upuan para tabihan ako sa table. "Where's kuya Pierce, ate Princess?" Tanong nya.


"Nasa itaas pa." Sagot ko lang.


Ngumuso sya at kumuha ng isang slice ng pizza. "What is he doing?" Tanong nya habang kumakagat.


Nginitian ko lang sya at sinuklay ang maganda at malambot nyang buhok. Siguradong maganda rin sya paglaki kagaya nung Maxine.


"May ginagawa lang." Sabi ko na lamang at nginitian ulit ang cute na si Kret. Tumingin ako sa hagdan. "Maya-maya lang baba na rin yon.


Habang nagke-kwento saakin si Kret tungkol sa aso nya ay bumaba si Pierce ng hagdan. Nagpalit na sya ng puting shirt, medyo namamasa-masa pa ang buhok nya.


Nang makalapit sya ay hinalikan nya ako sa tuktok ng ulo ko bago tumabi saakin. Kumuha sya ng malaking slice ng pizza at kumain. Para syang gutom na gutom.


"Hindi ba kayo nagbreakfast?" Tanong ko kay Pierce.


Tumingin sya saakin. "Why?"


"Mukha kang gutom na gutom!" Tawa ko.


Ngumisi lang sya at hinawi ang buhok nya. "Ewan ko, nagutom ako bigla.."


Matapos nya sa ilang slice ng pizza ay kumain naman sya ng burger at carbonara! Lakas pala nyang kumain?


"Cute mo! Kain ka lang ng marami! Mas cute ang walang abs!" Sabi ko at tumawa. Tinapat ko ang malaking fries sa bibig nya.


Natigilan sya sa sinabi ko. Para bang may mali doon. Bago sya magsalita ay sinubo nya ang tinapat ko sa bibigay "You don't like abs?"


Natawa ako at napa-iling. Magandang may abs, pero hindi ko naman iyon talaga hanap. Ayos na ang katawan nya.. pero tingin ko naman ay may abs sya? Pero bakit naman magkakaroon? Hindi naman yata sya nagwo-work out.


"You're kidding me." Kinunutan nya ako ng noo.


Tinawanan ko sya. "Para namang may abs ka!" Tukso ko pa sa kanya.


Nakagat nya ang labi nya habang nakatitig saakin. Sinubuan ko ulit sya ng fries habang tinititigan nya pa ako.


"Ano ba sa tingin mo?" Tanong nya.


The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon