TKP 50

61.5K 1.9K 259
                                    

TKP 50


Ang saya! Nakahiga lamang ako sa kama, wala na si Pierce. Umuwi sya kaninang 2:00 AM. Ayaw pa nga nyang umuwi! Tulog na sila mama kaya naman pinauwi ko na rin sya.


Hindi pa kami natulog at ka-text ko sya buong magdamag, hanggang sa mag alas kwatro.


From Pierce:

Matulog ka na. Papayat ka lalo


To Pierce:

Hindi ako payat!


From Pierce:

I want you to gain more weight princess :(


To Pierce:

Sige, magpapakataba ako! Yung tipong balyena! Hahaha!


From Pierce:

I like that. Para ako na lang ang nakatingin sayo :D


Nakatulog ako ng bandang 4:30 na. Nakatulugan ko na naman si Pierce, mabuti ay hindi sya nagagalit saakin pag tinutulugan ko sya.


Kinusot-kusot ko ang mata ko. Nakita ko si Samuel na nakagayak, manluluhod yata. Agad akong kumain.


Napatitig ako sa kawalan habang kumakain. Namimiss ko na agad si Pierce. Bumuntong hininga ako.


Nagtext ako sa kanya.


To Pierce:

I miss you


Tinatamad ako sa bahay. Gusto ko ulit makasama si Pierce pero hindi naman pwede yon, inangkin ko na nga sya kagabi, hanggang ngayon ba naman? Syempre, family naman.


Katext at katawagan ko si Pierce buong araw. Hindi naman ako masyadong nainip dahil nagpupunta ang mga kaibigan ni mama dito, at ang ilang mga ninang ko rin.


Si Loraine ay naka-video call ko at nagbatian lang kami at nagtawanan. Matapos ng pasko ay wala na naman akong ginawa sa bahay. Tumatawag lamang si Pierce palagi.


Ilang araw na rin! Gusto ko na talaga sya makita eh. Nahihiya naman akong sabihin iyon kay Pierce dahil alam kong susunduin nya ako o kaya naman ay pupuntahan nya ako. Ayaw nya lang maunang sabihin yon dahil alam kong nahihiya sya kay mama na palagi syang naandito. Isa pa ay magkikita naman na kami sa 31.


Ilang araw na lang, hindi ka makatiis, Princess?


December 27 ngayon at halos mabaliw na ako sa kagustuhang makita si Pierce. Bakit ba miss na miss ko yung lalaki na yon, at pakiramdam ko ay hindi na ulit kami magkikita?


Napahawak ako sa puso ko at naramdaman kong bumigat iyon. Bigla akong nalungkot sa hindi malamang kadahilanan.


To Pierce:

Miss na kita :((


The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon