13: Don't Stare
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Hindi ko aakalaing magyayabang sya saakin ng ganun.
"Let's go." Sabi nya saakin at hinawakan ako sa pulso para hatakin. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya at tumingin kay Loraine na naiwan ko.
Tumango lang sya at ngumiti ng hilaw. Sila Victoria naman ay hindi makapaniwalang kinakaladkad ako ni Pierce. Mukha syang naiinggit sa nangyayari. Ano namang kakainggitan dito? May romantic ba? Mukhang wala naman. Ang harsh pa nga nya kung humawak.
"Hindi totoo yun, Pierce. Wala ka kahapon at wala namang nangbully saakin." Sabi ko kay Pierce para buhayin ang ego kong natapakan kanina nang sinabi nyang hindi ko pala kaya kung wala sya.
Umirap sya. "That's because I told Yvo to looka after you."
Natahimik ako sa sinabi nya. Pinabantayan nya ako kay Yvo? Para saan? Matindi na ba ang pagkaawa nya saakin at kailangan nyang maging sure na ligtas ako sa school?
Huminto kami sa tambayan nya palagi. Sa likod ng court. Naglabas sya ng stick ng sigarilyo nya at sinindihan iyon. Nakanganga ako habang pinapanuod syang gawin iyon. Nasa labi nya ang sigarilyo habang nagsisindi gamit ang lighter.
Nag-angat sya ng tingin saakin ng matapos nyang masindihan iyon.
"I'm not leaving this damn school." Sabi nya habang nakatingin saakin ang perpektong mata nya. Kakaiba talaga sya kung tumingin. Para bang lalamunin ang kaluluwa mo. Halos lumubog ako dahil sa kagandahan ng dark brown eyes nya. "I like it here. I'm not going to transfer into any school."
"P-paano ka pinagbigyan?" Wala na akong masabi dahil sobrang nakakamiss ang istura nya kahit isang araw ko lang syang hindi nakita.
Nagkibit balikat sya. "I don't know. Hindi ko na natanong si mom."
Napatango na lang ako. "So.. kailangan mo ng magbago Pierce. Kailangan mong umattend ng class at hindi ka pwedeng magskip. Kailangan mo ng good grades.." Paalala ko sa kanya.
"Yeah, I know that. And you have to teach me how to be a fcking good student." Iritadong sabi nya na para bang napipilitan lang sya sa mga nangyayari.
Hindi ako tumanggi. Magkaibigan na kami diba? Pwede ko naman syang turuan kung paano.
"Tara na, malelate pa tayo." Pagyayaya ko sa kanya.
Bored syang tumingin saakin bago nag-iwas muli. "Tinatamad ako. Let's skip class." Tinapon nya ang stick ng sigarilyo nyang maliit na.
Napangiwi ako. Ayoko sa mga lalaking naninigarilyo. Tingin ba nila cool sila sa ginagawa nila?
Pero sandali, inaaya nya akong magcut at hindi nya lang gustong magcut ng sarili nya!
Napailing ako doon. "Baliw ka ba? Akala ko ba magbabago ka na?"
Nagbuntong hininga sya at tumayo. "I'll start tomorrow."
Napairap ako. "Hindi pwede. Ngayon mo nga kailangang magpa-goodshot sa teachers natin eh. Tas sisirain mo na agad ang image mo?"
Tumitig sya saakin at tipid na ngumisi. Hindi ko alam kung ngisi ba iyon o ngiti.
Naglakad kami ni Pierce hanggang sa makarating kami sa room na nakasarado na.
"Sht!" Naibulong ko. "Late tayo, Pierce." Kinakabahang sabi ko. Hindi ako pwedeng malate dahil nakagalitan na nga ako nito lang.
Nakagat-kagat ko ang labi ko habang patuloy na nagmumura ng mahina.