TKP 6
Napangiwi ako at yumuko na lamang habang hinahayaan si Pierce na hilahin ako. Hindi ko alam kung bakit pa nya ako hinihila, saan ba nya ako dadalhin?
"Pierce.." Tawag ko sa kanya. Maraming nakatingin saamin at marami rin kaming naririnig na ugong ng mga boses mula sa mga estudyante. Hindi lang iyon dahil mag kasama kami ni Pierce. Dahil din iyon sa nakahawak sya sa pulso ko.
"Tsk." Daing nya sa pagtawag ko, pero wala syang pakialam sa mga nakatingin.
Hindi na lamang ako nag salita. Natatakot ako na baka isang tawag ko pa sa pangalan nya e bigla na lang nya akong hawakan sa leeg at itapon. Nakakatakot parang may pumapalibot na itim na aura sa katawan nya.
Huminto kami sa likod ng covered court. Nakatingin lang ako sa badtrip na badtrip nyang mukha. Wala na bang ibang reaksyon ang mukha nya kundi ang umirap, magsungit, at magalit?
"Bakit kailangan mong suntukin si Kharl, Pierce?" Seryosong tanong ko sa kanya. Naalala ko ang pasa ni Kharl kagabi, at mas lalo yatang kumulay iyon ngayon nang makita ko sya kanina.
Umapak sya sa batong lapag, samantalang ako ay nag paiwan sa lupa na may unti pang mga nag kalat damo.
"Bakit, nag sumbong sya sayo?" Seryosong tanong nya. Umirap sya at umupo sa bato habang nakasayad ang paa sa lupa. "Tss.." Kumuha sya ng sigarilyo sa bulsa at sinindihan iyon.
Pinanuod ko lang sya habang nilalagyan nya ng apoy ang dulo ng sigarilyong hawak, seryoso sya at nakakunot ang kilay. Binubuga nya ang usok habang nakatingin sa hangin na parang may kung anong iniisip at hindi sya pwedeng istorbohin.
"Hindi mo dapat ginawa yun, Pierce. Wala ka namang alam sa amin. Hindi mo sya kailangangang utusan na mag sorry saakin. Hindi mo na dapat kami pinapakialaman." Matigas na sabi ko.
Tumingin sya saakin. Tumitig at mukhang sinusubukang basahin ang mga iniisip ko. Mga tatlong segundo rin iyon bago sya muling nag iwas ng tingin.
"Shut up, you don't tell me what to do."
Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nya. Hindi na ako nakapagsalita at tinitigan na lamang sya. Hindi ko lubos maisip na bigla-bigla na lang syang mag su-sungit, kahit na wala naman syang pinaglalaban.
Napa iling ako.
"Buhay ko ang pinapakialaman mo, Pierce. Kaya dapat sabihin ko sayo na hindi mo yun dapat ginawa." Mababa na ang tono ko. Gusto kong kumalma, pero naiirita ako sa mga sagot nya.
Tumingin sya saakin at may nag aalab na inis sa mata nya. "Just be damn thankful! Tsk!" Nagsalubong ang kilay nya. Tinapon nya ang sigarilyo sa gilid at nawala iyon sa mga maliliit na damo. "I just did you a favor.. so stop asking me!"
"At ano naman yun, para sayo? Imposibleng wala kang makukuha doon. Bakit kailangan mo akong ipagtanggol? Bakit parang ikaw ang gumaganti para saakin? Ano naman kung may pustahan nga sila saakin? Ha? Bakit nagagalit ka?"
Naiirita syang nag buga ng hangin. "Kainis!" Iyon lang ang sinabi nya at tumalikod para umalis. Mukhang iritadong iritado sya sa boses ko at sa mga pinag sa-sasabi ko.
Hinayaan ko syang makaalis. Bakit? Bakit ayaw nyang sagutin? Imposible na dahil gusto nya lang akong tulungan. Baka naman may galit sya kay Kharl? Posible rin. Kung kay Ron nga na walang awa nya binugbog, yung isang suntok pa kaya? O baka naman, naaawa lang talaga sya saakin?
Napa iling ako. Naawa? Hindi sya yung tipo na kapag naawa, tutulong. Imposible. Pero bakit? Talaga bang nasasaktuhan lang na nandyaan sya?
Umiling ako at hindi na lang iyon inisip. Hindi ko na siguro dapat pag isipan pa yun.