TKP 09

101K 2.6K 477
                                    

09: Last

"Kailangan ba talagang kasama natin si Princess?" Tanong ni Janica, isa sa mga kaibigan ni Loraine na naging kaibigan ko rin, dati.

Nag iwas ako ng tingin sa isa pa nyang kasama na mukhang ayaw din akong isama sa simpleng snack break sa canteen.

"Ano ba kayo?" Sabi ni Loraine at napatingin saakin na nahihiya sa inaasal nila. "Tara na!"

Sumabay sa paglalakad saakin si Loraine. Mukha syang guilty na parang sya yung may kasalanan kung bakit ganito sila Janica saakin. Si Mikaella ay sumabay kay Janica sa paglalakad na nauuna saamin. Tahimik ang canteen nang makarating kami. May mga nag titinginan saamin na mukhang hindi parin nag sasawa. Pero mas kumaunti na yun ngayon.

Bumili na kami ng kakainin namin at tumuloy sa isang lamesa. Naka sibangot parin ang dalawa at hindi tumitingin saakin. Hindi ko maintindihan kung bakit sila nag kakaganun, samantalang naging mag kakaibigan naman kami dati, at noong naging hiwalay lang kami ni Kharl ay nag kaganun na sila.

"Ikaw rin naman kasi Princess ang may kasalanan kung bakit ka ginaganyan ngayon." Ani Mikaella habang kumakain ng carbonara. Hindi sya nakatingin saakin.

Napatingin ako sa kanya pero hindi ako nag sasalita.

"Oonga, sinabihan ka naman namin dati, diba? Masyado ka kasing mataas kung mangarap." Bumu-bulong-bulong si Janica.

"Naging boyfriend ko lang si Kharl, masyado nang mataas kung mangarap?" Tanong ko. Hindi naman sa sumasagot ako ng pabalang, pero nakakainis na sila.

Natigilan si Mikaella sa pagkain at tumingin saakin. Hindi na maganda ang porma ng mukha nyang nakatingin saakin.

"Sa tingin mo talaga mag tatagal kayo?" Tumawa sya ng peke. "Mayaman? Oo. Sikat? Oo. Gwapo? Oo." Umirap sya. "Kaibigan sya ng lahat, Princess. Maraming nag kakagusto sa kanya. Tayo, mga normal na students, hindi dapat nangangarap ng mga katulad nilang matataas."

Hindi ako sumagot sa kanya at kumain na lang. Masama bang mag kagusto kay Kharl? Wala namang masama doon, at hindi ko alam kung bakit masyado silang makontra. Narinig ko ang ma-ingay nyang pag singhap. Si Janica naman ay padabog na binitawan ang hawak na tinidor.

"CR lang ako." Paalam nya, pero mas mukhang ayaw nya lang akong makita.

"Sasama na ako." Sabi din ni Mikaella.

Nakagat ko ang labi ko at tumigil sa pag kain. Nawalan ako ng gana. Bumuntong hininga ako at napatingin kay Loraine na nakatingin din saakin. Meron syang apologetic eyes para sakin.

"Sorry.." Yumuko sya at sumandal sa upuan.

"Okay lang. Sa mga oras na to, sa tingin mo hindi pa ako sanay?" Tumawa ako. "Ayos lang, Loraine."

Tumango sya at tinapos na namin ang kinakain namin at hindi na ulit bumalik sila Mikaella at Janica. Nag lakad na kami pabalik sa classroom. Nang wala pa ang teacher namin ay tumuloy muna ako mag isa sa banyo para umihi.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon