TKP 14

90.3K 2.3K 437
                                    

14: Butterfly

Dumaan ang mga araw at maayos naman si Pierce. Inaamin ko na mahirap syang turuan. Madalas nya akong hindi sinusunod at palagi syang nagagalit saakin dahil panay ang paalala ko sa kanya. Nalimutan nya atang nagpapatulong sya.

Katulad na lang ngayong araw. 

Kasulukuyan ko syang hinhintay sa loob ng school malapit sa may gate dahil nagpapahintay sya. Meron na syang number ko at hindi ko maiwasang mapailing tuwing naalala kung paano nya iyon kinuha sakin.

"Give me your digits. Put it there." Sabay lahad nya saakin ng phone nya noong math time namin.

Nanlaki ang mata ko dahil bigla lang nya iyong inabot saakin. Paano na lang kung mahuli ito ng teacher namin?

"Mamaya na Pierce." Bulong na sigaw ko para marinig nya ako.

Kumunot ang noo nya at tumitig saakin. "Did you just reject me?"

Napasapo ako sa noo ko. "Math time kasi, Pierce. Hindi pwedeng maghawak ng cellphone.." Paliwanag ko at medyo nairita dahil parang lahat na lang ay kailangan ko pang ipaliwanag sa kanya.

Buti ay nasa pinakalikuran kami. Nakahawak parin sya sa phone nya na nakabitin sa ere dahil hindi ko pa inaabot mula sa kanya.

Naiinis nyang nilapag ang phone sa mga upuan sa gitna namin. "I don't care. Put it now because I'm not going to get your number again if you reject me right now."

Nag iwas sya ng tingin. Medyo nakakagat sya sa ibabang labi nya at nakatingin sa teacher naming dumadaldal.

Napailing na lang ako at nagtype ng pasikreto sa phone nya. Ganun ba talaga sya manghingi ng number? Kakaiba ah.

Napahalumbaba ako habang naghihintay kay Pierce? Nasaan na ba ang isang iyon? Binasa ko ulit ang text nya pero tama naman talaga ang basa ko!

From Pierce: 

Wait me tomorrow. Sa gate.

Iyon lang ang laman ng text nya at ni hindi sya nagpakilala pero hindi na ako nagtanong dahil sya naman agad ang naisip ko.

"Butterfly!" Napalingon agad ako hindi dahil sa inisip kong ako iyon. Masyadong malakas ang boses ng nagmamay-ari.

"Yvo.." Bati ko sa kanya.

Pero teka, tinatawag nya ba talaga akong butterfly?

"Umaano ka dito?" Ngiti nya. Tumingin sya sa itim na relong suot. "Magta-time na ah? May hinihintay ka?"

Napasimangot ako at napatingin din sa relo ko. 10 minutes na lang nga at time na. 

"Ahh oo, si Pierce." Sabi ko at nilingon muli ang gate, nag babakasakaling nandoon na si Pierce pero masungit na mukha lang ng guard ang nakikita ko.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon