Chapter 1

235K 3.3K 212
                                    

TKP 1

Nakatitig ako sa boyfriend kong si Kharl. Nasa canteen kami ngayon dahil break na. Kanina ko pa napapansin na tahimik sya at mukhang may gustong sabihin.

"Uh.. Kharl?" Napanguso ako dahil hindi talaga s'ya tumitingin saakin. "Uy, anong iniisip mo?"

Ngayon ay tumingin na s'ya pabalik. Nanginginig ang mga mata n'ya at hindi iyon mai-focus saakin. Para bang nagi-guilty s'ya sa isang bagay na hindi ko naman alam.

"Princess.. magbreak na tayo.." Parang nabingi ako sa sinabi ni Kharl saakin. Ano..?

"Kharl, hindi nakakatawa." Medyo nanginginig yung kamay ko. Mukha kasing hindi sya nagbibiro sa mga sinasabi nya, mukhang sobrang seryoso ng mukha nya. At nagsisimula na akong kabahan.

"Two months, princess.. akala ko magwo-work, hindi pala.." Yumuko sya at tinitigan ang table.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ito biro. Nakikita ko iyon sa mga mata nya. Parang bumigat bigla ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Kausapin sya? Makiusap? Magtanong kung bakit?

Tumayo sya. Tumingin pa sya saakin ng limang segundo na para bang may hinihintay sya saakin. Nagtitinginan na ang ibang mga estydyante saamin. Palagi namang may nanunuod saamin kaya sanay na ako.

Tumalikod na sya saakin. Sumakit bigla ang puso ko. Para bang hindi ko na sya makakausap pagkatapos nyang sabihin iyon. Ang sakit.

Iyon lang yun? Pagkatapos nyang sabihin na magbreak kami, tatalikod na lang sya? Hindi ganyan ang Kharl na kilala ko.. hindi iyan si Kharl na alam kong mahal ako.

"Wait.. Kharl.." Sabi ko at tumayo para lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang siko nya para patigilin sya sa paglayo.

Kaawa-awa. Oo, alam ko. Hindi sya nagbibiro at alam kong nagsisimula na akong makiusap. Nagsisimula na ring dumami ang mga nagtitinginan sa amin. Nagbubulungan na sila.

"Look, Princess. I don't like you anymore. Lets just end it." Tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa kanya. Halata sa mga mata nya na pinipilit nyang tapangan ang boses nya para masaktan ako at lumayo na lang sa kanya.

"Kharl.." Mangiyak ngiyak na tawag ko sa kanya. There's no way I would let him end this relationship just like that. "I-I love you.."

"You don't. 2 months palang tayo, that's impossible." Natatawang umiling iling sya. Nakatingin sya saakin na parang ako na ang pinaka tangang babae sa mundo na kilala nya.

Tumalikod na sya saakin. Nakikita ko ang mga tao sa gilid na pinapanuod kami. Yung iba ay lihim na nakatingin, yung iba naman ay lihim na nakangisi.

"See? Edi nagbreak rin kayo! Prinsesa-prinsesahan ka pa kasi eh, anong feeling mo?" Napatingin ako sa babaeng nakaupo kasama ang mga kaibigan nya. Hindi sya nakatingin saakin pero alam kong ako ang sinasabihan nya. She is Victoria. Sya ang palagi kong nakakaaway simula palang nang maging kami ni Kharl.

Tinignan ko lang sya, walang sinabi na kahit na ano ay iniwan ko sya.

Naramdaman ko ang mga mainit na mga matang nanunuod saakin na lumalabas ng canteen.

I used to be treated as a Princess in this school kasi boyfriend ko si Kharl na syang mayaman, running as valedictorian, teachers' favorite, kaibigan ng lahat.. he's almost perfect. Kaya simula noong maging boyfriend ko sya, naiba ang turing saakin. Isa lang akong normal studentyante, may kaibigan, kumakain ng payapa sa canteen, nakakapaggala, nagka-cut paminsan minsan. I was a normal high school girl before, nagiba iyon nang naging boyfriend ko si Kharl. I became everyone's hot topic. I became every girl's dream dahil nga boyfried ko si Kharl. Nakilala ako, but no one would dare touch me. Well, except for Victoria. Pinsan sya ni Kharl, sikat rin sya kagaya ni Kharl, bully kasi at kahit na anong sabihin sa kanya ng pinsan nya na tigilan ako ay hindi nya sinusunod.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon