TKP 39

81.2K 2.3K 273
                                    

TKP 39

Days, weeks.. 

Wow, malapit ma pala kami maging isang buwan ni Pierce.

Kumurap kurap ako habang iniisip si Pierce. Ilang weeks na kami, at sa araw araw na yun ay magkasama kami, walang palya. Mas naging komportable ako sa kanya. Hindi sya gaanong sweet pero palagi kong nararamdaman na gusto nya talaga ako. Pinaparamdam nya saakin na kagusto-gusto talaga ako.

"Aminin mo nga sakin, Loraine." Tumingin saakin ang bestfriend ko mula sa hawak nyang phone. "Hindi naman ako maganda, diba?"

Iyon talaga ang pinagtataka ko sa lahat. Bulag ba si Pierce? Oo, si Kharl nagtaka ako na nagkagusto saakin, pero hindi naman sya umaakto na para bang.. baliw na baliw sya saakin.

Umurong ang mukha nya na para bang nagulat sya sa tanong ko. "Hindi ah, maganda syempre." Walang pag-iisip na sagot nya. Bumalik ang tingin nya sa phone nya.

Tumagilid ang ulo ko para titigan sya. Hmm. Liar. "Yung totoo kasi.."

Kinunutan nya ako ng noo. "Oo nga, maganda ka. Na-aano ka ba?"

Umirap ako. "Syempre sinasabi mo lang 'yan kasi bestfriend mo 'ko." Tumawa sya sa narinig. "Hindi naman ako maganda." Sabi ko na lamang.

Hinampas nya ako sa balikat. Kasalukuyan kaming nasa bahay nila, sa kwarto nya. Sunday kasi ngayon. Si Pierce naman ay hindi nagte-text. Kahapon at ngayon lamang kami hindi nagkita simula noong maging kami. Pati kasi Sunday at Saturday ay may date kami.

"Aminin mo na kasi." Inirapan ko sya habang nakanguso.

Humalakhak muna sya bago nya inayos ang pag-upo nya sa kama.

"Okay.." Umubo pa sya ng peke. "Sa totoo lang, normal lang ang itsura mo. Hindi kagandahan pero mas lalong hindi pangit. Alam mo, malakas kasi 'yung appeal mo eh." Nanliit ang mga mata nya habang sinusuri ang mukha ko. "Pero 'yung tipo mo kasi 'yung bang gini-girlfriend." Ngumiti sya na para bang ngayon nya lang iyon na-realize.

Medyo nalungkot ako sa pag-amin nya pero iyon ang hinihingi ko eh. Tss. Hindi kagandahan. Malakas appeal, nagsasabi kaya sya ng totoo?

"Bakit ka ba nagtatanong?"

Nagkibit balikat ako at tumingin na lamang sa phone ko. "Wala lang.."

Pero sa totoo lang ay nagtataka lamang ako. Normal lang naman ang itsura ko pero kung umakto si Pierce ay para bang ako na ang pinakamagandang babae na nakilala nya. Palagi ko syang nakikitang nakatitig saakin tapos palagi syang nagseselos. Para namang may mang-aagaw saakin mula sa kanya at para namang ipagpapalit ko pa sya.

Nang magvibrate ang phone ko ay agad kong tinignan iyon dahil inaasahan kong si Pierce na 'yun.

From Clinton:

Sup? What are you doing?

Kumunot ang noo ko kung bakit nagtext si Clinton pero nagreply parin ako.

To Clinton:

Kasama ko si lor. Si pierce ba kasama mo?

Hinintay ko lamang ang reply nya habang iniisip ko si Pierce. Hmm.. hindi pa nya ako sinasabihan ng I love you. Big deal ba 'yun? I mean, kailan nya pa kaya sasabihin 'yun? At nararamdaman nya na ba 'yun o hanggang 'gusto' parin ang nararamdaman nya para saakin?

'Yung iba naman kasi, porke sila na, nag I-I love you-han na kahit wala pa naman talagang 'love'. Pero.. kaya mo ba sinagot ang isang tao ay dahil sa mahal mo na sila? Hindi naman diba? 'Yung iba, kaya nila sinagot, dahil may feelings na sila.. at saka palang iyon madi-develop.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon