TKP 28

93.6K 2.5K 442
                                    

TKP 28

Ngumiti sya at hindi ko rin napigilang ngumiti. Napangiti ko sya. Ito ba ang reaksyon nya sa tuwing may sinasabi ako sa kanya at bigla na lang syang tumatalikod? Dahil ba ngumingiti sya?

Bakit? Nahihiya ba syang ipakita na masaya sya o kinikilig sya? Wait-- napapakilig ko si Pierce? No way!

Ang sarap nyang titigan. Ano, Jimenez? Hindi ka ngayon makaalis? Wala ka ngayong excuse para umiwas. Kitang kita ko ngayon ang ngiti mo na para saakin.

"Stop it, Princess." Utos nya. Nakayuko parin sya at panay ang ayos nya sa buhok nya sa likod. Halatang hindi sya komportable sa titig ko.

"Stop what?" Natatawang tanong ko. Humalumbaba pa ako para lalo nyang mapansin na talagang tinititigan ko sya.

"Stop staring at me." Aniya at tumingin pabalik saakin habang ang ulo nya ay nakayuko parin. "You always do that. Because you know you have such an effect on me." Sumimangot sya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil inaakusahan nya ako. Natawa na lamang ako at napailing. "Hoy! Hindi ah!" Hinagis ko sa kanya ang throw pillow na nakapa ko lang sa tabi ko.

Narinig ko ang pag-ngiti nya, nasalo nya ang hinagis ko at nilagay lang sa lap nya, saka nya doon ipinatong ang siko nya.

"You should always smile, Pierce. Gusto kong lagi kang nakikitang nakangiti."

Nakagat nya ang labi nya at nakatigil na nakatingin saakin. Natutuwa ako sa mga reaksyon nya. Gusto kong makita ang ganyang reaksyon araw araw.

"Stop." Bulong lamang nya. Malapit na talaga syang lumabi!

Tumawa na naman ako. Ang cute nya! Para syang bata na mayroong crush sa babaeng mas nakakatanda sa kanya at sobrang naa-awkward sya dahil nahihiya sya.

"What makes you smile, Pierce?" Ngiting ngiti kong tanong sa kanya. I'm enjoying this! Natutuwa akong makita syang halos mamatay sa kahihiyan at ka-ilangan.

Napatitig sya saakin na para bang hindi sya makapaniwala na meron akong ganoong ngisi sa labi. Nag-iwas lamang sya ng tingin bago nya itinaas nang hood nya at medyo tumagilid para hindi na sya masyadong nakaharap saakin. Nakita kong nakangiti parin sya! Damn. Nakikita ko na pilit nyang piniipigilang ngumiti!

"Uy, ano na, Pierce?" Pinipigilan kong tumawa. "Sagutin mo."

Sumimangot sya. "Stop teasing me, Princess."

Naka-indian sit ako, nakapatong ang baba ko sa nakasaradomg kamao ko. Medyo nakalapit ang mukha ko sa kanya at ngiting-ngiti na nakatitig sa kanya. Alam kong ramdam nya iyon.

"Huh? Hindi ah! Tinatanong ko lang kung anong nagpapangiti sayo.." Inosenteng sabi ko at ginawa ko ang lahat para hindi matawa.

"Isn't it obvious?" Sagot lang nya. Nakasimangot parin. Iritado ang boses nya. Ayaw nya talaga akong tignan pabalik. Oh stop being a cute boy, Pierce.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon