TKP 49

56.6K 1.9K 153
                                    

TKP 49


Nang makauwi kami ay handa na ang lahat ng pagkain. Tinanaw muna namin ni Pierce ang labas at pinagkatuwaan ang malaking christmas tree habang hinihintay ang mga anak ni tita Trina para sama-samang kumain.


Nang dumating ang isang puting sasakyan ay alam ko na agad na iyon ang asawa ni tita Trina pati na rin ang tatlo nyang mga anak.


"Lika na, Pierce." Inakay ko sya papasok.


Hinila ni Pierce ang isang upuan at pinaupo ako doon. Tumabi sya saakin at si Samuel ay tumabi sa kabilang side nya.


Nakikipagtawanan pa si mama kay tita Trina habang inaayos ang iba pang pagkain.


"Merry Christmas!" Bati ni tito Rudolf saamin nang makapasok sya kasama ang tatlong mga anak nya. 


Tumawa ako at binati si tito Rudolf na malapit na malapit saamin ni Samuel. "Merry Christmas tito! Uy, Trisha, Lyka, Gwen, upo kayo dito!" Bati ko sa tatlong anak nya na hindi ko naman gaanong close dahil mga mai-ilap.


Ngumiti saakin si Trisha, sya ang pinakamatanda. Matanda lang sya saakin ng isang taon.


"Merry Christmas.." Bati nya pabalik at napatingin sa katabi ko.


Napansin ko rin ang tingin nila Gwen kay Pierce. Napalunok ako, at tinawag silang ulit para umupo na.


Pasikreto pa silang nagtutulakan kung saan uupo, batid kong nahihiya sila sa kung anong dahilan.


Si Trisha ay nagmamadaling umupo sa tapat ko, si Gwen ay umupo sa tapat ni Samuel, hiyang-hiya namang umupo si Lyka sa tapat ni Pierce.


Naandito ngayon si lola. Ang lola ko ay may inaruga bago nya maging anak si papa. Kaya ang mga anak ng inaruga ng lola ko ay hindi ko naman talaga kadugo.


Si Gwen ay muntikan nang madapa bago tuluyang makaupo. 


Ang katabi kong si Pierce na kumakain habang kausap ang kapatid ko ang tinitignan nila. Pinaguusapan nila ang tungkol sa isang mamahaling laruan na niregalo ni Pierce. Seriously, he's spoiling my brother.


"Hi ate Princess." Ngumiti saakin si Gwen na bata saakin ng isang taon.


Ngumiti ako sa kanya. "Hello."


"Boyfriend mo po?" Tanong nya, tinutukoy si Pierce.


Tumango ako. "Uh, Pierce!" Tawag ko kay Pierce. Tumingin naman sya saakin. "Mga.. pinsan ko, sila Gwen, Trisha at Lyka."


Nakaawang lang ang labi ni Pierce noong una dahil kausap nya pa rin si Sam, pagkatapos ay ngumiti ng bahagya sa kanila.


Nakagat ni Trisha ang labi nya at tumango-tango na lang.


The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon