TKP 40

90.4K 2.2K 553
                                    

TKP 40

"Nagkiss na ba kayo?"

Nakagat ko ng mariin ang kinakain ko. Hindi ko kasabay si Pierce kumain dahil hinayaan ko muna syang sumama sa mga kaibigan nya. Isa pa, namimiss ko na si Loraine. Hindi na kami masyadong nakakapagdaldalan, marami pa naman kaming hindi napag-uusapan, masyado kasing... clingy si Pierce.

"Hindi pa 'no.." Nag-iwas ako ng tingin. Nahihiya akong sabihin sa kanya. Tahimik pa naman si Pierce at baka kung sabihin kong nagkiss na nga kami, magtanong pa sya ng magtanong. Hindi muna ngayon..

Lumaki ang mata nya na para bang nagulat pero bigla rin syang ngumiti.

"Hmmm." Sabi lang nya at kumain. Hindi sya naniniwala.

Nangiti lang ako nang maalala ang kiss namin noong isang linggo ni Pierce. Nakakakilabot kapag iniisip. Ang sarap halikan ng labi nya. Ang lambot at ang nipis. Kissable lips rin kaya ako? Nasisiyahan rin kaya sya sa mga kiss ko?

Humalumbaba ako at napakapa sa bulsa ko nang maramdaman ko iyong nagvibrate.

Nakita kong may text doon si Clinton.

From Clinton:
Miss, di ka yata kasama ni pierce? :)

Nagtaka ako sa panay na pagte-text ni Clinton. Anong kailangan nito saakin? Dati hindi naman nya ako gusto ah. Nakiki-close na ba sya ngayon? Ngumiwi ako bago magtype.

To Clinton:
Kasama ko bestfriend ko. Ano ginagawa ni pierce?

Wala pang isang minuto ay nagreply na sya.

From Clinton:
Wala. Ako di mo ba tatanungin?

Napangiwi ulit ako sa text nya. So tina-try nya talaga akong i-close ngayon. At bakit naman? Ano naman kayang balak ng isang 'to?

To Clinton:
Oh, ano ginagawa mo?

Nakipagkwentuhan ako kay Loraine. Kinuwento nya saakin ang boyfriend nyang si Enzo na wala raw kwenta.

"Tangina nya. Wala syang kwenta. Ni hindi na nga nagtetext saakin, girlfriend pa kaya ako ng hayop na 'to. Sht lang, ah?" Galit na sabi ni Loraine. Nakamot ko ang tuktok ng ilong ko habang natatawa sa pagmumura nya.

Humalumbaba ako. "Diba may nangliligaw naman na sa'yo? Bakit hindi na lang 'yun?"

Umirap sya. "Madaling sabihin para sa'yo." Nakita ko ang malungkot nyang mata. "Mahal ko si Enzo."

Tumango na lang ako. Maya-maya ay biglang umusok 'yung ilong nya habang hawak nya ang phone nya. Naibato nya ang hawak na pagkain.

"Tangina kasi eh! Feeling ko wala akong kwenta. Alam mo 'yun, Cess? Ako palagi 'yung unang nagte-text, ako palagi unang nagsosorry sa kanya tuwing nag-aaway kami! Kapal kapal ng mukha! Tapos ngayon, ang tagal magreply, at ang sasabihin nya lang ay 'haha' wow!" Nakita ko ang medyo nagtutubig nyang mga mata.

Nakaramdam agad ako ng awa at hindi na ako komportable sa inuupuan ko. Patagal kasi ng patagal ay lalong lumalala si Enzo.

"Shh.. h'wag mo na lang kayang i-text? Hayaan mo sya! Paghabulin mo! Ang ganda-ganda mo tapos nagpapakatanga ka lang sa kanya? Tsk, mga lalaki oh.." Hinawakan ko 'yung mga daliri nya sa kamay.

Ngumuso lang sya habang nakasimangot. Mangiyak-ngiyak na talaga sya at pinipilit nyang hwag umiyak.

"H'wag kang iiyak. Hindi iniiyakan 'yung mga ganyan. I-break mo na." Matigas na sabi ko.

Hindi sya sumagot at para syang nag-iisip mabuti. Nagvibrate ang phone ko at may text ni Pierce at ni Clinton.

From Pierce:
Sunduin kita, nasan ka? Wala daw tayong next subject

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon