Finale

104K 2.8K 465
                                    

Finale

"Wanna hang out?" Tanong ni Jack saakin. Kaibigan ko sya dito sa Canada.

"Nope, I told you I'm going to see Pierce later." Napailing ako.

Tumango lang si Jack. Jackson Grant is his name. We've been friends for about, 3 months yata? He's a great guy. Matanda sya ng tatlong taon saakin, pero hindi ko sya tinatawag na 'kuya' hindi tulad ni kuya Ash na Filipino naman. Nakilala ko sya kay kuya Ashley.

Ngumisi sya. "Oh, again."

Tumawa lang ako. Kilala nya si Pierce dahil naike-kwento ko.

Tamad na nakaupo sya sa armrest ng sofa at pinapanuod ako. Sinulyapan ko ang kulay berde nyang mata na nakatitig saakin.

"Good luck." Tumawa sya at nagpakahulog na sa sofa para humiga. Nanood lamang sya doon ng TV.

Nag-iisip ako ng pwedeng isuot mamaya. Magi-skype kasi kami. Anong dapat kong isuot? April 8 ngayon, 5 months na kami. Noong nakaraang buwan ay birthday ni Pierce at nagskype lang kami. Miss ko na sya. Sobra-sobra. Hindi na sya sobrang makulit ngayon. May isang beses pa na iniyakan ko sya sa sobrang kakulitan. Nakakaawa naman kasi ang mommy nya.

Noong mga unang buwan ay galit pa rin sya, pero noong mga sumunod ay sya na ang nangungulit saakin na magchat kami. Natawa ako ng pasikreto, miss din ako ng loko.

Habang sinusuri ko ang buhok ko ay tumingin ako kay Jack. Nakaunan ang ulo nya sa dalawang kamay nyang nakataas habang nakahiga sa sofa, hinihintay nya kasi si kuya Ash saamin. Palagi pa namang si kuya Ash ang kasama ko. Ang girlfriend nyang si Yvette ay nakita ko na, simple sya at mabait.

"Hey, Jack." Tawag ko habang tinitignan ang buong bahay.

"Hmm?"

"Should I curl my hair? Or just let it like this?" Tanong ko habang pinapakita ang buhok ko.

Kinakabahan kasi ako eh. Si Pierce ay sigurado kong gwapo sya. Hindi na magbabago iyon. Ako naman, umaasa na lang yata ako sa ganda ng buhok ko. Tsh.

"You're perfectly fine, why worry? It's not like your boyfriend is 'that' hot!" Nagmake face sya.

Umirap ako. Huh. "You're just jealous." Tawa ko.

"My ass," Sagot nya.

Kinatitig-titigan ko pa ang buhok ko. Ano na kaya ang height ko? Ilang months na rin ako dito, three? Baka tumangkad na ako kasi iba naman ang nutrients ng pagkain dito eh. Sa pagkakatingin ko ay mas matangkad si Jack ng kaunti kay Pierce.

"Ugg, I'll go. Tell Ash I'll be back tomorrow," Tinatamad syang tumayo.

"Ayaw mo bang kumain muna while waiting kuya Ash?" Tanong ko kay Jack. Kanina pa sya naghihintay kay kuya Ash pero nagmessage naman saakin si kuya Ash na papunta na sya.

"What!" Kunot noong tanong nya.

Umirap ako at umupo sa tabi nya. Kairita din 'to, dumudugo ang ilong ko sa kanya! Tagal masanay, eh half filipino naman ang pinopormahan nya.

"You wanna eat first?" Tanong ko. "Or you wanna stay so you can meet my boyfriend on skype?" Ngisi ko.

Ngumiwi sya. "No thank you, sweetheart."

Humalakhak ako. Bitter sya siguro sa mga gwapo! Para pa namang may halo ng ibang dugo sila Pierce. Mas maganda ang mga mata ni Pierce dito kay Jackson kahit na hindi kulay berde ang kay Pierce.

"Hay nako, ang pangit mo talaga.." Sabi ko na lang.

Naiinis na naman syang sumimangot. "What?"

Ngumisi ako. "Wala."

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon