TKP 2
Ang gaspang ng ugali n'ya. Iyon agad ang naisip ko.
Tinignan ko yung lalaki. Oo, hindi ko maiwasang hindi humanga sa kanya.. pero kahit naman siguro ganun si Victoria sa kanya kanina, pinatunguhan pa rin naman sya nito ng maayos.
Wala tong makakasundo dito.
Agad na tumabi si Victoria para paraanin yung lalaki. Ano nga ulit ang pangalan nya?
"Sya ba yung Pierce?"
"Oo sya yun! Akala ko ba kaklase natin sya?"
Narinig ko mula sa labas. Ni hindi nga nila napapansing may nakaupo sa lapag at namumuti dahil sa pulbos. Mas napansin pa nila yung Pierce.
Bago maglakad papasok si Pierce, tinignan nya muna ako. Nakaramdam ako ng hiya dahil alam kong maputing maputi ang mukha ko ngayon. Nag iwas agad ako ng tingin sa kanya.
Nagtuloy tuloy sya sa upuan at nakita kong umupo na sya malapit sa inuupuan ko kanina.
Tumingin saakin si Victoria mula sa pagtititig kay Pierce.
"Oh well, humihinga ka pa pala." Nanunudyong sabi ni Victoria. Kitang kita na masaya sya sa ginagawa nya. Natutuwa syang ginaganito ako.
Nagtawanan naman yung mga kasama nya. Naghanap ako ng tyempo para makaalis.
"Let's go Victoria, parating na si ma'am." Sabi ng isa nyang kaibigan.
Tinignan ulit ako ni Victoria, nakangisi sya kagaya ng palaging nyang pinapakita. Tumalikod sya saakin.
Tumayo na ako. Dahan dahan akong lumabas ng room. Ano pa ang gagawin ko doon? Hihintayin ang teacher namin para magsumbong? Para saan pa? Panigurado namang kaaawaan lang ako doon.
Tumuloy ako sa CR. Umupo ako sa nakasaradong toilet bowl. Nakatitig lang ako sa kawalan. Hindi ko napansing halos isang oras na rin pala akong namamalagi sa loob.
Bumuntong hininga ako. Kanina pa ako umiiyak. Ano bang nangyayari saakin, eh hindi naman ako ganito? Bakit hinahayaan ko sila?
Kumuha ako ng mahabang tissue at pinunasan ang sarili ko. May ilan-ilan kanina na pumapasok sa loob ng CR, buti na lang maraming cubicles dito at hindi na nila ako kinakatok. Bihira naman ang nagdadatingan dahil class hours ngayon.
Tinignan ko ang relo ko. Meron pa pala 1 hour and 10 minutes bago magbreak time. Wala pa naman sigurong studyante sa labas. Nakakahiya kasi ang itsura ko.
"Bakla, nakita mo ba yung transferee?"
"Hindi eh, yung Jyn ba, pinaguusapan nga nila Trish kanina ah, gwapo ba talaga?"
"Oo! Si Pierce! Kakikita ko lang kanina!"
Naghagikhikan sila.
"Grabe, nakita nyo ba kung gaano kasungit syang tignan? Sana kaklase na lang natin sya! Astig, mukhang ano eh.. alam mo 'yon, yung pag na in love sayo, isusuko mo na lang ang lahat para hindi ka iwan."
Naghalakhakan sila sa mga sariling biro.
"You bet! Nagpapapansin nga sila Trish doon, tumatambay pa sa labas ng room ng IV- Rose! Parang mga tanga! Mukha namang 'di namamansin si Koya."
"Balita ko na kick out yun sa dati nyang school?" Pabulong na tanong ng isa.
"Owe? Grabe! Gusto ko na tuloy makita!"
"Ay hwag na! Maloloka ka lang!"
Napakunot na lang ang noo ko dahil sa tagal nilang gumamit ng CR. Yung kaklase namin ngayon na si Pierce ang pinaguusapan nila?