TKP 48

64.3K 2K 225
                                    

TKP 48


Hindi ko na tinignan ulit si Pierce dahil nahihiya ako sa itsura ko. Ayokong makita nya akong bagong gising lamang.


Agad akong naligo at nang natapos ay mabilis na nag-ayos. Lumabas agad ako. Nadatnan ko si Pierce at Samuel na nagke-kwentuhan at nagtatawanan. Nandoon lamang si mama na natatawa habang pinapanuod rin sila.


Doon ko lamang na-realize na may tinitignan pala silang photo album. Agad ko silang nilapitan at inagaw iyon.


"Ah! Ang daya nyo!" Halos umiyak ako. "Ang panget panget ko dito eh!"


Tumawa silang tatlo. Ugg!


Nakita ko ang ilang box ng cake sa living room table namin. Mayroon din doon isang bouquet ng bulaklak.


Napangiti ako ng sikreto.


Ngumisi si mama saakin. "Ihahanda ko lang ang pagkain.."


Ngumiti ako at tumabi kay Pierce. Hinampas ko sya sa braso. "Lasing ka kagabi, akala ko nagbibiro ko lang na pupunta ka—"


"I wasn't drunk," Kunot ang noo nya. Naamoy ko agad ang bango ng pabango nya.


Ngumisi ako habang natatawa. "Hmm. Baka gusto mong ipaalala ko sayo lahat ng sinabi mo?"


Nakagat nya ang labi nya at namula. Napaisip tuloy ako. Naalala nya kaya? Siguro ay iba lang ang epekto sa kanya pero naaalala naman siguro nya ang mga ginawa at sinabi nya.


Ininis ko sya sa mga ginawa nya noong lasing sya.


"Mahal na mahal mo ako no.." Tumawa ako at sinundot ang tagiliran nya.


Ang akala ko ay itatanggi nya, ngunit kumunot lamang ang noo nya at nangingisi-ngisi.


Natawa ako. "Anong oras ka naandito?"


"Kaninang 8:20 lang."


Ang aga! "Anong nangyari?"


Nakagat nya ang labi nya. "Akala ko hindi pa ako tanggap ni tita.." Sabi nya at napangiti.


Nakagat ko ang labi ko at parang naguumapaw ang saya na nararamdaman ko. Ang saya-saya na makita syang ganito. At tinawag nyang tita si mama!


Hinawakan ni Pierce ang kamay ko. "Pinapasok agad ako," Ngiting-ngiti sya. Tuwang-tuwa ah? "Hindi ka pa gising, kaya nag-usap lang kami.."


Uggg! Gustong-gusto ko malaman ang nangyari bago iyon! Gusto kong malaman ang nangyari sa kanila ni mama. Kung paano sya pinapasok at kung paano sya kinabahan. Kung paano sya sumagot kay mama! Gusto kong makita ang mga reaksyon nya.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon