TKP 43
To Loraine:
Bess, di ka ba talaga papasok?
Nagtext ako kay Loraine matapos namin maglunch ni Pierce kasama ang mga kaibigan nya.
Katabi ko si Pierce na tapos na rin kumain at inuubos na lamang ang Chuckie nya. Katabi ko naman sa kabila si Clinton na nakikinig sa earphones nya habang kumakain.
Mabuti at hindi na nagalit si Pierce sa ginawang pagtabi saakin ni Clinton. Naabutan ko lamang syang mainit ang titig kay Clinton noong uupo ito sa tabi ko, nang makita nyang nakatingin ako sa kanya ay tinigilan nya na ang masamang pagtitig kay Clinton.
Hindi ko kinausap o hinarap si Clinton. Medyo nakatagilid nga ako sa kanya para medyo nakaharap sa kanya ang likod ko. Alam kong bastos, pero hindi parin kasi naging maayos ang pag-uusap namin. Baka inaakala nya pa ay nakikipag-flirtan rin ako.
Nakita ko si Enzo na naglalakad. Kasama nya si Chin pati na rin yung isa pang babae na lagi ring kasama ni Chin. Naka-angkla si Chin sa braso ni Enzo habang tumatawa. Si Enzo naman ay seryosong nakatingin sa buong cafeteria. Nang magtama ang mga mata namin ay agad rin syang nag-iwas ng tingin.
Nanliit ang nga mata ko at parang nagsikip ang dibdib ko. Ito ba talaga ang lalaking iniiyakan ng bestfriend ko? Ganito sya katindi? Ganito kabilis? Mas masahol sya kay Kharl!
"Huy, anong ginagawa mo sa tissue, Princess?" Puna saakin ni Paris.
Napatingin ako sa hawak kong tissue at binitawan ko na iyon nang makitang matindi na ang lukot.
Inilagay ni Pierce ang kamay nya sa sandalan ko. "Sa room na tayo?" Nahuli ko ang pagsulyap nya sa katabi ko.
Kumunot ang noo ko. "Sandali, maya-maya na.." Hindi ko sya gaanong pinansin dahil pinanuod ko kung saan papunta si Enzo.
Tumango na lamang sya nang makita ang nakukulitan kong ekspresyon. "Alright," Tumango sta ninakawan ako ng halik sa pisngi.
Napairap ako nang maka-alis na sila Enzo. Ang tindi nya. Akala ko pa naman maayos na maayos na sya! Ang akala ko isa sya sa mga matitinong lalaki!
Naramdaman kong nakatingin si Clinton. Dapat bang sabihin ko kay Pierce ang tungkol kay Clinton? Na parang.. may something sya saakin? Pero paano kung wala naman pala, edi nagkaaway pa si Pierce at Clinton?
Nang pabalik na kami ng room ni Pierce ay nadatnan ko si Enzo na nakikipagusap— o, paguusap nga lang bang matatawag iyon? Nasa gilid sila ng main building at doon naglalampungan.
Kating-kati akong puntahan sila.
"Pierce.." Tawag ko kay Pierce.
Gusto ko muna syang paunahing umalis. Gusto ko kasing kausapin si Enzo. Gusto ko lamang syang sisihin at ipamukha sa kanya ang kasamaang ginagawa nya kay Loraine. Gusto kong malaman nya na hindi maganda ang ginawa nya. Isa pa iyong babae.