TKP 51

64.5K 2K 475
                                    

TKP 51


Iyak ako ng iyak. Tumawag agad ako kay Loraine kahit na anong oras na. Sinabi ko sa kanya ang lahat, pinakinggang nya ako at inunawa.


"Wait, wait!" Sabi nya sa kalagitnaan ng pagke-kwento ko.


Tumahimik ako at pinakinggan sya.


"Mag-aayos lang ako ng gamit, dyaan ako matutulog okay?" Aniya.


Nagulat ako sa sinabi nya at tumingin sa orasan. 11 na! "May ma-sasakyan ka pa ba? Delikado na, Loraine. Okay lang ako no."


Pero pinuntahan nya parin ako. Nakatanggap na lamang ako ng text mula sa kanya na nasa labas na sya ng bahay.


Pagbukas ko palang ng gate ay niyakap na nya agad ako. Mamimiss ko ang isa na to!


"Sira ulo ka! Kahit saakin hindi mo man lang sinabi!" Kinaltukan nya ako.


Humikbi ako at natawa. Ito lang ang kailangan ko ngayon, ang mahigpit na yakap mula sa isang malapit na tao.


Pumasok kami sa kwarto ko at humiga doon. Walang kahit na ano kaming hawak. Walang phones, o kahit na anong pagkain. Nakayakap lang kami sa unan at nag-uusap.


"Anong balak mo?" Tanong nya.


"Anong 'anong balak'?" Tanong ko rin.


"Aalis ka nga?"


Nagbuntong hininga ako. "Hindi ka ba nakikinig? Na-aksidente si papa, anong gusto mong gawin ko? Piliin si Pierce at magstay dito?"


Ngumiwi sya. "Sorry naman."


Natahimik ako.


"Hindi mo ba sasabihin kay Pierce?" Nanlaki ang mga mata nya. "Iiwan mo sya ng walang alam?!" Gulat na hula nya pa.


Nakagat ko ang labi ko at kinununotan sya ng noo. Anong sinasabi nya? Hindi ko sasabihin kay Pierce? Bakit ko gagawin yun? Iyon ang pinaka-malaking katangahan na pwedeng gawin sa sitwasyon namin.


"Baliw, syempre sasabihin!" Hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya.


Nakahinga sya doon ng maluwag. "Akala ko gagaya ka sa ibang mga palabas na bigla na lang umaalis ay!" Tumawa sya ng tumawa.


Napa-iling ako at natawa. Alam ko namang nagbibiro sya para pagaanin ang loob ko. Bigla na lang syang yumakap saakin.


"Ma-mimiss kita!" Sininghot nya ang amoy ko. "Amoy McDonalds ka!" Tawa nya pa.


Natawa na lang rin ako at nalungkot. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko na alam ang dapat na maramdaman.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon