18: The Call
Mabilis magpaandar si Pierce, pero pakiramdam ko naman ay ligtas ako. Magaling syang humawak at para bang matagal na talaga syang humahawak ng motor.
Tinuro ko sa kanya ang way ng bahay namin at hindi rin nagtagal ay nandoon na kami. Hindi naman nagsalita si Pierce buong oras na pagba-byahe. Ako ay tahimik lang din sa takot na baka ma-distract ko sya.
Huminto kami sa harapan ng bahay namin. Bumaba ako at binigay sa kanya ang suot kong helmet. "Ah, eh.. salamat, Pierce."
Seryoso lang ang mukha nyang tinanggap ang helmet. Sumulyap sya sa bahay namin kaya natauhan naman agad ako.
"Pumasok ka muna, uhm.. juice or what?" Tanong ko. Ayos lang naman ang tanong ko pero pagdating kay Pierce ay pakiramdam ko ay weird na ang tanong ko.
Umayos lang sya ng upo. Ang magulo nyang buhok dahil sa hangin ay lalong nagdagdag ng kagwapuhan sa kanya. Kahit anong ayos nya ay napaka-gwapo nya. Kung itsura lang ang pagbabasihan ay napaka-swerte na ng babaeng magugustugan nya. Pwede syang i-display at pwede syang titigan buong magdamag.
Kaso ay hindi. Syempre kung magkaka-gusto ka sa isang tao, unang-una dapat ay yung ugali. Yung komporatble ka. Yung taong mailalabas mo kung sino ka talaga pag kaharap mo sya. Iyon talaga ang gusto ko.
Kagaya ni Kharl.. komportable ako kay Kharl. Masaya akong kasama sya. Iba yung taong mahal mo, sa gusto mo, at crush mo. Malaki ang pagkakaiba-iba noon.
Tulad ni Pierce. Siguro ay masasabi kong crush ko sya. Ang crush naman ay yung taong nagpapakilig sayo at kinikilig ka kapag nakikita mo. Pero hindi ko masasabing komportable akong kasama sya. Attractive sya, oo.
At hanggang doon lang iyon para saakin. May mga tao talagang hanggang paghanga lang ang nararamdaman mo.
Crush ko si Pierce. Sino bang hindi magkaka-crush sa kanya? Gwapo sya at misteryoso. Girls like cool and bad-looking boys. Nakakaagaw naman talaga ng atensyon iyon. Pero ang totoo ay mahuhulog tayo sa taong kaya tayong patawanin at pasiyahin. Yung mga tao bang cold ay papasiyahin ka? I mean yes, matutuwa ka kapag bumanat sila, pero hanggang ganun na lang ba yun?
Umiling lang sya sandali at sumulyap sa bahay naming muli bago ulit saakin tumingin. "Get inside." Utos nya.
Nakagat ko lang ang labi ko dahil lalo akong nabibighani sa kagandahan ng boses nya.
"O-okay. Ingat ka Pierce.." Sabi ko.
Pinatunog nya ang sasakyan nya, hudyat na malapit na nyang paandarin ang sasakyan. Hinihintay ko syang umalis, pero nakaupo lang sya sa motor nya.
Kumunot ang noo ko. Bigla naman syang tumingin saakin. "What?" Iritado na naman ang boses nya at tinignan ako na para bang kinikwestyon nya ako kung bakit ako nakatayo sa gilid nya.
"Ahh.. eh, hinihintay kitang makaalis?" Patanong na sabi ko.