Chapter 40: Monday Code
Zyair’s POV
‘‘Kailan niyo balak ipaalam ang katutuhanan sa anak niyo?’’ Malumanay na tanong ni Mama―manugang ko― habang patuloy lang kami sa pag-aalmusal.
Sa ngayon ay hindi pa rin kami umuuwi sa mansion. Kahapon ay may kinita kaming importanting tao. Gusto ko rin malaman kung ano ang susunod na plano nito.
Tumingin naman sa akin ang asawa ko, hinihintay ang isasagot ko sa tanong ng mama niya. ‘‘May napag-planohan na rin po kami, naghihintay na lamang kami nang tamang timing.’’ Mahinahon kong sagot dito. Tinignan lamang ako nito nang may pag-aalinlangan.
‘‘Kailan pa? Kung huli na at malaman niya na lang sa iba? Gusto niyo bang mawalay ulit sa akin ang apo ko? Ayoko nang mangyari ulit ang nakaraan, sinasabi ko sa inyo...’’ May halong babala ang tono ng kanyang boses. Hindi ko talaga maikakaila ang kanyang pag-aalala sa kanyang apo. Maski ako rin ay nag-aalala sa kapakanan niya lalo na’t iba na ang takbo ng ihip ng hangin ngayon.
‘‘Ma, alam po namin. Kaya po kami bumalik para matiyak ang kaligtasan niya lalo na at nakausap na naming ang totoong tatay niya kahapon.’’ Pati si Agatha ay hindi na rin napigilan kaya sumagot na rin ito sa marahang paraan. Iniiwasan ang maaring argumentong magaganap.
‘‘Oo nga pala, hindi siya dumadalaw dito? Parati ba siyang may pinagkakaabalahan?’’ Napatingin kaming dalawa ng asawa ko sa hindi inaasahang tanong nito. Hindi rin naming alam kung bakit hindi siya dumadalaw kay mama, marahil ay hindi pa siya handa.
‘‘Busy lang ho si Kuya, Ma.’’ Pilit siyang ngumiti kay Mama dahilan para mapatango ito.
‘‘O siya, tapos na akong mag-almusal at maiwan ko na muna kayo riyan may aasikasuhin lamang ako.’’ Pumunas muna ito ng bibig bago tuluyang tumayo at umalis.
‘‘Hindi pa ba tayo uuwi sa mansion?’’
‘‘Mamayang hapon na tayo bumyahe pauwi, may gusto akong makausap ngayong umaga. ‘Wag mo na rin akong hintayin mamayang lunch.’’ Inayos ko muna ang itim na briefcase kong dala bago tumayo saka lumapit sa kanya.
‘‘Alis na ako, bye. I love you.’’Hinalikan ko muna siya sa pisngi at ganun din ang ginagawa niya.
‘‘Mag-iingat ka, love you too.’’ Kumaway pa siya habang sinusundan niya ako ng tingin patungong kotse. Sumakay na ako saka umalis.Sa ngayon ay hindi kliyente ang ime-meet ko, kundi isang CEO ng Empire Z Group. Kilala ang pribadong organisasyon niya sa pagtutulong sa mga batang lansangan.
Alam ko rin ang pakikipag-team up ni Elleciah sa kanya kahit hindi niya sabihin sa akin. Alam ko na napapabalita ito sa underground site. Pumara ako sa isang lumang factory, dito niya kalimitan gustong makipagkita sa mga taong kailangan ay sila lang ang nakakaalam. Dito rin ‘yong panahon na kinita niya sina Elleciah para sa kontratang gusto niya.
Pumasok ako habang dala-dala itong itim na briefcase. Tinignan ko ang aking relo, masyado akong napaaga kaya wala pang tao.
Maya-maya ay may isang lalaking nakasuot ng itim na damit at salamin sa mata, isa sa kanyang mga tauhan. Marahil ay sa kabila ito dumaan kaya alam kong pati siya ay nasa loob na.
Sinenyasan lamang ako nito na sumunod sa kanya, ganun nga ang ginawa ko. Pagkarating ko sa loob nakita ko siyang prenteng nakaupo sa kanyang pwesto habang may hawak itong inumin sa kamay.
‘‘Nice to see you again, Mr. Buenaventura, have a seat.’’ Nilingon niya pa sa akin ang kaharap nitong sofa. Hindi ako sumagot kundi ay naupo at hinintay ang kanyang sasabihin.
BINABASA MO ANG
The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)
Teen FictionA mission, which Elleciah has no choice aside from managing a company, she choose to take the university instead of the company. That's what she wanted, mission to take responsibility of their university. Elleciah Rackle Buenaventura, she pretended...