Chapter 28: Private Party

398 24 8
                                    

Chapter 28: Private Party

"Nasa bahay na pala ang ibang gamit mo. Kung may mga naiwan ka pa punta ka na lang ulit doon." Sam said.

"And para makapag 'good-bye' ka na din sa bahay niyo." wika pa ni Faye habang naka pout. Mukha silang nalulungkot sa nangyari.

Mabuti nga 'yun hindi ba? Kasi hindi ko na siya makakasama sa iisang bubong at hindi na ako maiinis.

Dumating na ang teacher namin sa first subject which is si Sir Geo, yung gwapo naming teacher.

Hoy! 'Wag kayo mag-isip ng kung ano, ah! Mali 'yan! At wala din akong balak makipag-relasyon sa isang teacher. Napopogian lang talaga ako sa kanya. Wews!

Napunta ang paningin ko sa raw nina Lawrenz, mukhang nabagsakan ng lupa ang mukha niya habang ang tatlo ay nakikinig lang sa pinagsa-sabi ng teacher sa harap.

Maya-maya narinig ko na ang bell hudyat na next class na. At dahil wala pa naman ang teacher, nag-excuse ako sa kanila na mag-c-cr lang ako.

After I used the cubicle naghugas muna ako ng kamay.


''Ay, pusang palaka!''

''Gosh, you startled me!'' sabi ko pa dito nang may tao pala sa labas na naghihintay. It was Lawrenz.

''What are you doing outside the girls comfort room?'' nagsimula na akong maglakad pabalik sa classroom at ganun din siya.

''Hinintay kita, hindi ba halata?'' napahinto ako sa sinabi niya sabay nilingon siya habang siya naman nakasuot ang mga kamay sa bulsa.

''For what? W-why?'' nilihis ko ang tingin ko at naglakad ulit.

Pero imbis na sagutin niya ako, nilagpasan niya lang ako. Napaka walang hiya! Sino siya para lagpasan lang ako?

Napapadyak ako dahil sa inis saka naglakad na ulit. Kahit saan talaga ako pumunta may tao talagang mang-gugulo ng buhay ko.


''At saan naman kayo galing?'' bungad kaagad sa amin ni Miss Almonte, siya 'yung sinagot ko ng ''Late is better than never, okay?'' masyado ba akong harsh no'n? Wala lang talaga ako sa mood noon kaya nasagot ko siya ng ganun. Sorry na agad, Miss.

Lawrenz said na galing kami sa cr.

''Bakit? Nagplano ba 'yang mga talong at pechay niyo na sabay talaga mag-cr?'' natawa naman ang mga kaklase namin sa sinabi niya. Minsan talaga masyado din siyang harsh magsalita. Grrrr! Ang sakit sa tenga!

''Shut up!'' sigaw niya dito para tumahimik. Galit na galit, Ma'am?

Hindi na kami sumagot para wala masyadong satsat. Pina-upo niya na din naman kami saka nagsimula ng mag-discuss.


''Nagplano pala 'yang mga ano niyo, ah.'' dinig kong asar ni Zayn kay Lawrenz saka pinagtawanan siya ng tatlo. Tumahimik din sila ng tignan niya ng masama sina Zayn. Pero nandon pa din ang nagpupumigil nilang tawa.


Kahit kailan talaga, loko ang Zayn na 'yan.

Nakinig lang kami hanggang sa nag-lunch break na. Salamat naman at makakain na din ako. Tumayo na kami para dumiretso agad sa canteen.

Sina Faye at Sam na ang nag-insist na bumili ng pagkain kaya kami ni Maece ang natira dito sa table.


''Nakakagutom naman, gusto ko na kumain.'' sabi ko sa sarili ko habang nakahalumbaba kaya napatingin si Maece sa akin.

''Gutom ka niyan sa lagay mo, eh ang dami mo ngang nakain na almusal kanina.''


''Feeling ko lang kumain ng madami, masama ba 'yun?'' sagot ko dito na ganun pa din ang pwesto ko. Nagliwanag naman ang mga mata ko nang ilapag na nina Faye at Sam ang pagkain na nasa tray.

Kinuha ko na agad ang kutsara at tinidor saka kumain ng hindi sila pinapansin.

''Anong nangyari diyan?'' dinig kong tanong ni Sam sa kanila.

''Gutom na daw siya kaya inunahan niya na.'' sagot ni Maece. Nagsimula na din silang kumain habang nagki-kwentuhan ng kung ano. I didn't mind kasi kumakain ako.

Napahinto ako ng subo ng makita kong may tumabi sa gilid ni Sam. Tinignan ko kung sino, si Zayn kasama ang tatlo.

The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon