Chapter 37: Kidnapped

218 17 10
                                    

Alvarez's POV

Pansamantala kong pinatulog si Elleciah at dinala sa bahay ko. Kasama ko rin si Miss Kurinawa, ang babaeng gustong-gusto ako. Hinahayaan ko lang siya dahil alam kong magagamit ko pa siya.

''Boss, nakauwi na sina Mr. and Mrs. Buenaventura sa mansion nila.'' Tumango ako bilang sagot.

''May kailangan pa po ba kayo?''

''Wala na, makakaalis ka na.''

Dalawang minuto pa akong nagtagal sa loob ng office rito sa bahay bago umalis para tignan si Elleciah. Dahan dahan kong pinihit ang doorknob para buksan ang kwarto niya. Tumigil ako para i-check ako ng monitor.  Access granted by lasers in just 15 seconds.

Sa mismong kwarto niya ko siya nilagay. Mapapansin mo talaga na hindi ginalaw ang lahat ng nandito sa loob ng kwarto niya dahil nandito pa rin ang mga gamit na minsan niya nang nagamit.

Ang pambatang damit na nakalagay sa loob ng cabinet, ang mga teddy bear sa gilid ng higaan niya. Her rocket and shuttle cock that we used to play before. Lahat hindi ko pinabago kahit ilang taon nang nagdaan.

Lumapit pa ako at umupo sa tapat niya. Hinawi ko pa ang ilang buhok sa pisngi niya para ayusin.

Ang ganda ng anak ko, kamukhang-kamukha niya ang nanay niya.

''Ilang taon din tayong hindi nagkita't nagkasama, marahil ay limot mo na ako,'' Para akong tangang kumakausap ng tulog na tao. Namimiss ko ang anak ko. Gusto ko siyang yakapin.

Umalis na ako para makatulog siya ng maayos, alam kong pagod at gutom siya kaya paniguradong gutom siya pagkagising. Alam ko ring madaming tanong sa isipan niya.

Elleciah's POV

''Mommy, si kuya inaaway ako.'' Sinumbong ko si kuya kay mommy dahil inaasar akong hindi ko maabot ang librong kukunin ko.

''Nye nye nye pandak pandak!'' maiiyak na talaga ako sa asar ni kuya.

''Siyempre mas matangkad ka sa akin kasi nauna ka kesa sa akin. Akin na kasi, kuya.'' Hindi niya pa rin binibigay ang book ko kaya umiyak na ako.

''Huy, bunso tahan na. Joke lang naman, oh ito na ang libro mo.''

***

''Daddy, gusto ko po matutong gumamit ng baril.''

''Talaga, anak? Hindi ito ginagamit sa masamang paraan, anak nililinaw ko lang.'' Tumango ako bilang sagot. Nasa firing area kami at talagang pinuntahan ko pa rito si Daddy.

''Hawakan mo ng maayos ang baril tapos itapat mo sa patatamaan mo,'' Inayos pa ni papa ang pagkakahawak ko at pinatayo ako ng maayos. Nang pumakawala ako sa unang putok ay hindi tinamaan ang board.

''Ayos lang 'yan, anak sa una talaga ay ganyan kailangan mo lang sanayin. Magsanay ka pa, anak.''

***

''Lalala lala la~''
''Sleep well, baby.'' Tuluyan na sana akong makatulog nang may narinig akong putok ng baril.

''Mommy, ano po 'yon?''

''Wala, anak baka si daddy mo tinetesting ang bagong baril. Balik na sa pagtulog, baby.''

''Mommy!'' Puro barilan at putok ng baril ang naririnig ko. Ang ingay at sobrang sakit sa tenga.

''Itakas mo na siya sa amin, bilis!'' hila hila ako palayo ng isang lalaki. Hindi ko rin siya tinignan dahil babarilin na si mommy.

''Mommy!''

''Hindi!'' mukha akong naubusan ng hininga at puro pawis din ang bandang leeg ko. Ano 'yun? Bakit ganun ang panginip ko mukhang totoo.

Argh! Ang sakit ng ulo ko! Para akong pinupokpok ng kung ano sa loob at hanggang ngayon nag-eecho ang isang batang babae na tinatawag ang nanay niyang nakikipagbarilan sa kung sino.

The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon