Chapter 21: Selos?
Elleciah's P.O.V
After ten minutes naisipan ko ng umalis dito sa library para pumunta na ng field kung saan doon ko imemeet si Gian.
Umupo ako dito sa isang bench para hintayin siya. I just look around kunti lang ang mga estudyanteng nag-gagala marahil ay wala na din silang klase.Pli-nay ko ang music na gagamitin namin saka pinag-aralan ang nasa copy. Madali lang naman ang mga steps and alam kong kuhang-kuha agad ito ni Gian.
Marunong din ako sumayaw pero alam ko sa sarili ko na hindi ako ganun kagaling sumayaw. Maybe some of the students are struggling when it comes to this part. Sasayaw lang para sa grades ika nga nila.
Maya-maya ay natanaw ko na si Gian papalapit sa gawi ko.
''Kanina ka pa?'' tanong nito ng makalapit sa akin saka umupo sa may tabi ko hindi ganun kalapitan.
''Ahm, hindi naman masyado. Pinag-aralan ko na din itong steps natin medyo madali lang. Okay ba sa'yo 'to?'' humarap ako sa kanya pero siya ay nakatingin lang sa akin imbis na sa copy. Hindi siya sumagot.
''May problema ba? Kung meron mapapalitan din naman ito ng mas madaling steps, e.'' ani ko dahil hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip nito.
''Hindi, okay lang sa akin 'yan. I mean, tara na sa auditorium para doon na lang tayo mag practice masyado kasing madaming tao kapag sa gym.'' He reason out. Kaya agad na akong tumayo para magtungo sa pagpa-praktisan namin.
Dumaan muna kaming cafeteria para bumili ng makakain siya lang yung bumili wala akong gana masyado.
Ng makarating kami dito sa auditorium agad niya naman hinanda ang songs at ang copy.
''So, let's begin?'' ani nito na tinanguan ko lang.
Pareho naming nakuha ang steps at sinabayan sa kanta. Inaalalayan ko siya sa bagay na hindi hindi niya masyado makuha at ganun din siya sa akin. Vice-versa lang.
Malapit na namin matapos ang buong steps saka naman namin uulitin hanggang sa masaulo. Okay na sa amin ang lahat at wala naming sakitan na naganap. Like others kasi minsan may mga ganun talagang nangyayari.
''Pahinga muna tayo, Elle.'' yaya niya saka umupo at kinuha yung binili niyang pagkain.
Umupo na lang din ako saka nagpunas ng pawis.
''Mabilis ka lang din naman pala makabisa ng sayaw at magaling ka din. Oh, kain ka din muna.'' Nginitian niya ako habang inaabot yung pagkain.
''Hindi, okay lang ako.'' nginitian ko rin siya pabalik.
''Bawal magtanggi sa grasya sabi nila 'diba?'' natawa na lang din ako sa sinabi niya saka kinuha yung inaabot niyang pagkain.
''Takot ka ba sa mga tao?'' out of nowhere kong tanong sa kanya. Medyo curious lang din.
Nag-angat lang siya ng balikat bilang sagot. Hinintay ko siyang magsalita.
''Actually, hindi naman talaga ako ganito before. I was like a- what do you call 'go-with-the-flow' person but something's change.'' kunot noo akong nakinig sa kanya at hinihintay pa din ang sasabihin niya.
''My girlfriend broke up with me that time and I'm fucking messed up so I just let her go and she didn't know a thing. It's just a simple misunderstanding. I want her to understand me but she did not. I can't blame her if pagod na ba siya, sawa na ba, o kung ayaw na talaga niya. Nakita niya akong may kasamang babae and she think I cheated on her but the truth is I didn't. The girl she saw is my friend from afar na kakarating lang at gusto ko sanang ipakilala sa kanya and boom!'' He explained. Medyo na sad naman ako sa story niya.
''So, you think that- hindi ka na makikipag socialize sa mga tao because of that?'' tumingin siya sa akin na kanina ay nakayuko. Tumango lang siya.
''And also, that day I promised to myself na hindi na ako makikipagkaibigan ulit. She is my only exception but then she left me.'' nakadepende siya sa isang tao na hindi niya aakalaing iiiwan din pala siya sa dulo.
''Tara na practice ulit.'' Pagbasag ko sa kanyang emo kasi baka umiyak 'to ng wala sa oras kasalanan ko pa, joke.
Ngumisi muna siya bago tumayo kaya napangiti na lang ako sa kanya.
Nagpractice na uli kami and this time medyo may laman yun bawat hakbang, bawat paghawak sa kamay ko. Hindi ko masisisi kung nadala ba siya ng emosyon niya o ano.
After an hour natapos na kami at nagkaayayaan ng umuwi. Nagkwentuhan lang kami habang naglalakad. At nang mag-iiba na ang aming daanan ay pinabaunan ko siya.
''Hey, you don't need to tied yourself in your past. Just let it be and be yourself. Hindi mo naman kailangan magpaka anti-social. It's not your loss, it's her." Saka tinapik ko ang balikat niya at ngumiti na may halong pait at saya.
BINABASA MO ANG
The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)
Teen FictionA mission, which Elleciah has no choice aside from managing a company, she choose to take the university instead of the company. That's what she wanted, mission to take responsibility of their university. Elleciah Rackle Buenaventura, she pretended...