Chapter 24: Meet Her

474 22 3
                                    

Chapter 24: Meet Her

"Nandito ako sa field.'' sabi ko sa kabilang linya, tumawag si Gian para sa practice namin. Last na ito kasi busy na din kami pareho.

Umupo ako dito sa isang bench para hintayin siya. Break time na din kasi. Nitong kaninang umaga nagising akong wala na ang loko sa bahay. Hindi ko din alam kung saan 'yon nagpunta kagabi at kung anong oras nakauwi.

Ano ba ang problema nun at mukhang nagmamadali? Ni hindi man lang nasagot ang tanong ko. Kanina din sa classroom, buong klase lang siya natulog.

Dumating na si Gian kaya agad din kaming umalis. Bakit parang palaging gusto ni Gian mag-praktis? Parang kahapon nagpraktis pa lang kami, ah.

''Siguro last na praktis na natin 'to kasi sa makalawa na ang perform natin siyempre kailangan din nating magpahinga.'' nginitian niya ako pagkatapos. Parang ang cute niya sa ganun. Tinangoan ko siya bilang sagot.

Nagsimula na kaming mag-praktis, normal lang gaya lang din nitong nakaraan at mabilis din kaming natapos kasi pareho kaming may next class.

Naabutan kong nagkwe-kwentuhan ang tatlo habang ang grupo ni Rex ay ganun din mukhang busy. Nag-uusap lang pag may itatanong ata tapos tutok na sila sa mga gadget nila. Bakit parang may group project itong apat! Ganun din si Rex busy sa phone niya hindi niya nga namalayan na pumasok ako.

''Huy, bakit mukhang busy ang mga yun?'' tinuro ko ang grupo nina Rex sa kanila bago naupo. Bakit ko ba pinapakialaman?

Nagkibit-balikat lang sina Faye at Sam. ''Kanina pa nga sila ganyan mukhang may pinagkakaabalahan nga.'' sagot ni Maece sa tanong ko binaliwala ko na lang. Buti nga walang mag-iistorbo sa akin ngayon na kolokoy.

Habang nasa klase nag vibrate na lang bigla ang phone ko.

From +63967*******0
At old factory. I'll wait you in thirty minutes!

Unregistered number and I don't know kung saan niya nakuha ang number ko. Bigla na lang din nagtanong sa akin ang tatlo.

''Did you got a text from someone?'' mahinang tanong ni Faye sa amin para hindi marinig ng teacher.

''Yeah, meron din ako.'' sabi ni Sam. Pinakita niya sa amin ang text message.

''What is this all about?'' nagtatakang tanong ni Maece. Pati ako ay napakibit-balikat na lang.

Eksakto pagkatapos ng klase namin umalis na kaming apat kahit alam naman naming may last subject pa. Tinungo namin ang address na binigay nung nag text.

Kung iniisip niyo na ganun lang kami kadaling pasunorin well, nagkakamali kayo. The address they sent is really familiar to us kaya ganun na lang kami sa pagtataka.

Bumaba na kami ng kotse at kitang-kita ang isang lumang factory na hindi na gaano ginagamit. Pumasok kami sa loob and may mga gamit pa na mga stock siyempre.

Bigla naman ulit nag ring ang phone ko, only sa akin lang. Tinignan muna nila ako tapos sinagot ang tawag.

''I saw you with your girls. To the left.'' utos ng nasa kabilang linya. Babae ang boses nito at hindi ko masyado ma-recognize kung sino siya.

Ako ang una naglakad saka sumunod sila. Sina Sam at Faye naging alerto sa pagmamasid sa paligid sa ano mang maaaring mangyari. Hawak ko pa din sa tainga ko ang phone habang hinihintay ang susunod na sasabihin nito.

''May makikita kang brown envelope sa taas ng box kunin mo yun.'' nakita ko nga ang sinasabi niya, aktong bubuksan ko sana pero nagsalita siya.

''Huwag mo munang buksan.'' sinunod ko ang bilin niya. Nagtaka si Maece kung ano ang laman nito ganun din ako siyempre. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad nang sinabi niya umakyat daw kami sa hagdan papunta sa isang palapag.

The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon