Chapter 38: Deal

301 12 4
                                    

Sam’s POV

‘‘Hay, ano ba ‘yan para na akong masisiraan ng bait!’’

Inis na umupo si Faye saka nilagay ang kanang kamay sa kanyang baba na may halong konsumisyon sa sinabi.

‘‘Guys, guess what? Ang cute ng boses ni Kyle! Alam niyo ba na nag-practice kami via call? Ang lambing ng bosessss!’’

Nilingon ko si Maece sa kanan ko na abot langit ang kilig samantalang si Faye ay kabaliktaran niya naman.

‘‘Ano ba nangyayari sa inyo?’’ ako naman itong naguguluhan sa mga inaakto nila. Tinignan ko sila pareho na may pagtataka. Humarap siya si Faye sa amin ni Maece saka nagpaliwanag.

‘‘Paano ba naman, ayoko nung kantang gusto niya. Nakakainis siya, akala mo kung sinong gwapo… kahit totoo naman,’’ Tumaas pa ang kilay niya na tila nagdadalawang-isip sa sinabi.

‘‘Saka isa pa, ah ang init init ng dugo ko sa kanya kahit makita ko pa lang siya sa malayuan, kinikilabutan na ako sa presensiya niya. Umiigting yung init sa buong katawan ko dahil sa inis sa kanya.’’ Dagdag niya pa na may panggigigil.

Pilit man naming pigilan si Faye sa pagsasalita ngunit hindi niya talaga pinansin ang pag ngunguso at pagtuturo namin nang pasimple dahil patuloy lang siya sa kanyang rant. Naku, lagot na!

‘‘Ano bang tinitignan niyo? At ano ‘yang mga,’’ Hindi na kami sumagot dahil bigla na lang siya humarap sa likod niya habang naka-nguso rin.

Si Fafa James cool lang na nakatayo sa likod niya habang ang tatlo niya pang kasama naka upo na.

‘‘Pare, gwapo ka raw.’’ Singit ni Fafa Kyle.

Tumawa naman si Zayn at chill lang na nanonood si Fafa Lawrenz. Simula ngayon Fafa’s na ang itatawag ko sa kanila kahit mukhang nakakabakla. Hayaan na, bakla naman ‘yan sila. Kidding.

‘‘Alam ko,’’ ‘yung pagka sagot niya kay Faye siya nakaharap habang unti-unti siya bumababa para mapantayan si Maring Faye na naka upo’t tulala habang nakanguso pa rin.

Naku po. Ano mangyayari? End of the world na ba? Naku, ‘wag muna dahil hindi ko pa nakikita ang ‘the love of my life’ ko.

‘‘Gusto mo bang halikan kita?’’ Kinindatan pa siya mag besh. Ako na parang kinikilig napahawak ng mahigpit sa kamay ni Maece kaya tinapik ako.

‘‘Ang feeling mo talaga.’’ Umayos na siya ng upo saka nag cross arm. Hinayaan lang namin sila na para bang nanonood lang kami ng live rom-com dito.

‘‘Ah, naiinis ka sa akin? Baka ‘yang inis mo maging kabaliktaran. Remember, the more you hate the more you love.’’ Binigyan ni James ng nakakalokong ngiti si Faye na ikina-ismid ng labi niya.

Hindi ko na talaga mapigilan ang kilig na nararamdaman ko sa kanilang dalawa. Bakit ganun? Bakit parang sa akin tumatama ‘yung spark imbis na sa kanilang dalawa?

Faye’s POV

‘‘What did you say? Love? Alam mo ang salitang ‘yon? The more I hated you, the more it makes me angrier to you hindi love. Hinding hindi ‘yun mangyayari. Okay?’’ Inirapan ko siya saka tinalikuran.

‘‘If you say so.’’ Nagulat pa ako ng kaunti sa bulong niya. Akala ko nakaalis na ang loko. May gana pa talaga siyang bumulong. Tssk!

Arrgh! Kakainis talaga siya! Ayokong masira ang araw ko dahil sa kanya.

‘‘Mukhang may nakaligtaan akong kakatapos lang?’’ Pang-aasar ni Ciah Ciah na kakarating lang saka ti-nap ang balikat ko. Napatingin tuloy ako sa kanya. At bakit hind siya sumabay sa amin?

The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon