Chapter 19:Remembering the past
Matapos naming kumain ay umalis na kami."So, what's next?" Tanong ko dahil hindi ko naman alam kung ano ang kasunod nito o saan man.
"Hmmmm, tara sa arcade!" Hindi na ako nakapag-hindi dahil hila-hila na niya ang kamay ko saka tumakbo. Malapit lang din kasi sa dito ang arcade sa kung saan kami kumain.
Ilang takbo lang nandito na kami.Napahawak ako sa tuhod ko dahil sa pagtakbo.
"Ay! Sorry, Ciah nahingal ka tuloy. Saglit lang." Iniwan ba naman ako matapos akong hilahin papunta rito.
"Tubig, oh" ay! Bumili pala, ang bilis niya naman. Salamat talaga sa lalaking 'to napaka-gentleman. Hindi yung sinasadista ka tulad ng iba.
Nagpasalamat ako at ininum ang tubig saka nangyaya sa play game. Nagsimula na kaming maglaro, inuna namin 'yung sa paramihan ng score sa pag-shoot ng bola.
"Ang pinaka-madami ililibre ng fries." Anito.
"Game!" Saad ko. Hindi ako magpapatalo sa kanya. Hahaha!In one minute naka 65 points na siya samantalang ako 79 points na. Ehemm!
Hindi sa pagmamayabang shooter naman talaga ako, eh. One on one pa kami n'yan, eh.Ilang shoot pa at ako pa rin ang may mataas na scores.
"Tama na, pagod na ako." Anito.
Kalalaking tao napapagod agad? Akala ko ba ang mga lalaki hindi napapagod pagdating sa pag shoot? Ng bola?
"Paano ba 'yan ililibre mo ako." And I shrugged my shoulder pinagyayabang ang scores. Hahaha!
"Oo na, tara na. Galing mo, ah. Mas shooter ka pa kesa sa lalaki. Babae ka ba o baka naman lalaki ka lang naging babae lang katawan mo. May tawag sa ganyan e."
Asus! Sabihin mo hindi ka talaga shooter. HAHAHA
"Oo pre, e. Hindi tayo talo uy! Kung may balak kang ligawan ako, pare wag ako pareho tayong lalaki." With matching pasuntok sa dibdib ko ala-tarsan at panlalaking boses.
Pero san naman nanggaling yung "Kung may balak kang ligawan ako-----" nyenyenye. Ba't may ganun? Oh eh ano ngayon?
Wala! Wala! Wala!"Ikaw talaga!" Sabay inakbayan saka ginulo buhok ko. Napayuko naman ako doon saka tumawa kaming dalawa.
Nagmukha tuloy akong tuta -_-"Tara na nga kung ano-ano pinagsasabi mo. Babae ka uy. Umayos ka d'yan. Isumbong kita kay tita, eh." Bulyaw nito kaya naglakad na kami papuntang bilihan habang tumatawa pa din.
"Sombungero, samahan pa kita, e." Pang-aasar ko. Hindi na umimik ngumisi lang. Baliw rin, e.
~~~~"Bakit may sundae? Fries lang sabi mo 'di ba?" Nagtaka lang ako pero sa loob-loob ko mabuti nga 'to para madami haha. Hindi ako patay gutom pwede bang food lover lang?
"Ayaw mo? Akin na" aktong kukunin na kaya inatras ko.
"Ayaw, paborito ko 'to. Binigay-bigay mo tapos babawiin mo walang ganon, uy." Pagrereklamo ko. Kasi naman, gusto ko na rin ito. Kaya wala siyang magagawa.
BINABASA MO ANG
The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)
Teen FictionA mission, which Elleciah has no choice aside from managing a company, she choose to take the university instead of the company. That's what she wanted, mission to take responsibility of their university. Elleciah Rackle Buenaventura, she pretended...