Chapter 30: Doubts and Other Gang

233 17 0
                                    


Lawrenz's POV

Kanina pa ako text ng text sa babaing ito pero ni isa wala man lang response. Tinry ko ring tawagan pero unreachable. Hindi sa kung ano na inaasta ko kundi parang may mali. At bakit hindi sila pumasok ngayon? May nangyari ba? O ako lang itong over reacting? Ano ba naman ang paki ko samantala sila wala ngang paki hindi ba?

''Alam mo, King kanina pa kami nahihilo sa'yo ano bang problema mo?'' hindi ko sinagot ang tanong ni Zayn kundi patuloy lang sa pabalik balik na paglakad at minu-minuto tinitignan ang cellphone kung may text na ba siya.

''Baka namimiss si Elleciah'' pang aasar ni Kyle. Kahit kailan talaga mapang-asar ang lalaking 'to.

''Nagtataka lang ako kung bakit hindi pumasok ang apat na 'yun.'' Pumara ako saka umupo sa favorite place ko.

''Oo nga, ni pati nga ang mga professor natin hindi man lang nagtanong kung bakit wala sila. May alam kaya sila?'' Akala ko ako lang ang nakakapansin. Pero bakit? Bakit pati mga professor namin hindi man lang tinanong kung bakit wala ang apat.

''Baka may inaasikaso lang o may biglaang emergency.'' Rinig kong rason ni James habang nakatuon sa cellphone niya. Nakinig lang ako sa mga pinagsasabi nila habang nag-iisip kung ano ang maari nilang dahilan. Hindi ko din naman kasi sila ganun kakilala at bakit ganito ako kung mag-react.

''James, find their identity. I-track mo ang system ng campus para mahanap mo ang information nila.'' Utos ko sa kanya at agad naman siyang sumunod. Kinuha niya ang laptop saka nagsimula nang magtipa.

''Masyado silang misteryo sa isipan ko.''

''Bakit mo naman nasabi 'yan, King?'' tanong sa akin ni Kyle. Parang pati sila napaisip sa sinabi ko. Masyado akong mabagal para alamin ang pagkatao nila o kung sino ba talaga sila. Masyado na akong nagkaka-interest sa kanila.

Nakasama ko man sa iisang bahay si Elleciah pero hindi sapat para makilala ko ang pagkatao niya. Lagi din kasi siyang wala sa bahay o 'di kaya umuuwi nang gabi.

''Basic information lang nakalagay sa personal data nila.'' Pinakita sa akin James ang nahagilap niyang impormasyon at hindi nga sapat para malaman kung sino ba talaga sila.

''Try mo sa website sa underground.'' Napatingin muna siya sa akin bago nagtipa. Mukhang hindi sang-ayon sa sinabi ko at tila nagdududa pero sinunud niya din.

''Bakit mo nasabi 'yun? Nagdududa ka sa kanila? Eh, mukha lang naman silang mga ordinaryong babae, ah.'' Singit pa ni Kyle. Sumang-ayon din si Zayn sa sinabi niya. Nakaabang kaming tatlo sa kung ano man ang makita ni James sa website.

''Iba ang kutob ko ngayon.'' Sabi ko na lang.

Tri-ny niyang i-search isa-isa ang apelyedo nila sakaling may lumabas na kapangalan nila. Ang kaso meron nga hindi naman nila kapangalan. At iba ang nakalagay na litrato. Ang Buenaventurang nandito ay kasamahan sa isang mafia family. Hindi naman possible na siya 'yan nerd nga 'yun, eh. At ang tatlo ay iba din ang nanditong pangalan.
Isa-isa naming tinignan ang profile nilang apat pero bigo ako dahil walang tumugma sa lumabas sa site. Pinatigil ko na lang siya sa paghahanap saka bumalik sa pwesto ko. Hindi kaya?

''Ano bang nasa isip mo?'' tanong sa akin ni James matapos niyang i-off ang laptop. Hindi ko din alam at bakit ako nagkakaganito. Hindi ko siya sinagot kundi umalis na lang ako ng HQ.

James's POV

Sa mga nakita ko sa underground site, oo pati ako nagugulumihan sa misteryosong pagkatao ng apat na babae na 'yun. Nakita ko ngang isang member ng mafia family ang Buenaventurang nandito pero posibleng siya eto na parang hindi.

The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon