Chapter 34: Plans

240 15 7
                                    

Third Person's POV

Magkasabay na umalis ang apat sa mansion subalit ang tungo ni Elleciah ay hindi sa head quarter kundi sa paaralan. Alam naman ng mga guro nila kung bakit on leave ang tatlo. Marahil ay sa ginawang excuses ng Tita ni Elleciah sapagkat alam rin nito ang rason kung bakit.

Saka rin ito pinaandar ng isang itim na kotse para sinundan ang naunang kotse. Hinatid muna nila si Elle sa eskwela bago nagtungo ng HQ. Ganun pa rin ang tema, sa hindi kalayuan sa university siya ibinaba habang si Maece ang nagmamaneho ng kotse nilang dala. Kotse ito ni Maece at naisipan ng tatlo na sabay silang pumunta kesa gamitin ang sarili nilang sasakyan.

Lingid sa kanilang kaalaman may nakasunod na itim na kotse sa paroroonan ng tatlo kaya nakita nito ang pagbaba kanina ni Elleciah.

Napansin agad iyon ni Maece na siyang nagmamaneho dahil kitang kita sa rearview mirror at sa side mirror. Napansin rin iyon ni Faye kaya tumingin siya sa likod. Agad naging alerto ang tatlo sapagkat alam na nila kung ano ang mangyayari.

''May sumusunod sa atin.'' Ani Sam habang tinitignan ng mabuti kung sino ang nasa loob ng kotse na iyon.

''Huwag kayong magpahalata na alam natin, ililigaw ko sila.'' Seryosong sabi ni Maece habang nakatuon lang ang tingin sa kalsada. Ang dalawa ay tumahimik lang din habang minamanmanan ang pwedeng gawing ng kasunod nilang kotse.

Maya-maya niliko ni Maece ang kotse sa kaliwang kalsada habang patuloy pa ring nakasunod ang itim na kotse. Ngayong nakonpirma nga nila na nakasunod ito mas binilisan niya pa ang pagmamaneho.

Binilisan rin ng itim na kotse ang pagpapaandar hanggang sa mapantayan na nito ang bilis nina Maece. Tinignan ni Faye mula sa bintana kung sino ang nakasunod ngunit hindi nila makilala kung sino ang nasa loob. Hanggang sa nagpaulan na ito ng mga bala. Iniwasan ni Maece ang mga bala kaya sa likuran lang ang may tama at hindi nakapasok sa loob.

''Shit! Ayaw ko ngang magasgasan itong kotse ko pero nakuha pa nilang patamaan ng bala? Maghintay kayo!'' Galit na giit ni Maece habang ang dalawa kinuha ang nakatagong baril sa ilalim ng upuan. Ikinasa nila ito at handa na sila magpaputok sa mga kalaban.

''Ang sabi ni boss takutin lang natin pero 'wag nating patayin.'' Pagka-klaro ng isang lalaki na siyang nagmamaneho sa kanila. Ibinaba ulit nila ang bintana para paulanan ng bala ang mga babae.

Naunahan naman ito ni Faye na paputukan at pinatamaan ang bintana kaya nabasag ito. Nakailag naman ang nasa loob nito kaya hindi sila natamaan. Si Sam naman ang sunod na nagpaputok ng baril at pinatamaan ito sa gulong. Nakatatlong putok pa siya bago pa nabutas ang gulong kaya biglang bumagal ang pag-andar nito na siya namang binilisan ni Maece ang pagpaandar ng kotse saka nilisan ang kung sinong gustong tumira sa kanila.

''Ang tatanga niyo naman!'' reklamo ng lalaking nagmamaneho sa kanila.

''Sino naman ang mga 'yon?'' habang ang mga babae ay nagtataka kung sino nga ang mga iyon.

''The Dark Hellium Gang, bagong tauhan nila. Kita ko kung sino ang nagmamaneho pati ang kanilang tattoo na dragon sa pulsuhan.'' Tinitigan lang siya ng dalawa.

''Nagsisimula na sila.'' Biglang sumeryoso ang awra ni Faye pati ang boses nito ay naging malamig.

''Shit naman ang kotse ko!'' mahinang reklamo ni Maece sa sarili. Mahal na mahal niya ang kotse niyang 'to pero ganun pa man dumiretso na sila sa HQ. Marami pa naman siyang kotse na hindi niya ginagamit na nakatago lang sa bahay nila. Ito ang kanyang dinadala kahit papuntang campus pero ngayon mukhang mapapalitan at magagamit na niya ang kanyang matagal nang tinatago sa bahay nila na Ferrari Laferrari niyang kotse.

Pagpasok sa loob ay naabutan nilang may kausap sa telepono si Mrs. Lee at nang natapos ay ibinaba niya saka lumingon sa harapan. Hindi niya alam na nasa harapan niya ang tatlo.

The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon