Annyeonghaseyo):)
Sorry kung napaka napaka napaka tagal ng update ng istoryang ito sa sobrang busy at isa na rin dito kung ano ba ang magandang maidudugtong ko na sana ay magustuhan niyo kaya sana (hihihi) baka hindi niyo magustuhan baka lame sa paningin niyo pero siyempre kakayanin kong maganda ang kinalalabasan nito. Sana magustuhan niyo:) enjoy.
Chapter 20: Timer
Isang umaga na naman na haharap ako sa isang biyayang binigay ng Diyos sa buhay ko. Wew!
Even though we faced different challenges in life, we must not forget to thank God for the blessings He gave us every day.
Back to reality.
Kasama ko ngayon sa van ang tatlo dahil sabay kaming papasok ng school campus.
Siguro nagtataka kayo imbis na ang lalaking yun ang kasabay ko ngayon, well hindi dahil nga noong nakaraan.
Nasa parking lot kami nang may napuna si Maece.
"Your so called "boss" is on his way. And here we go again." Lahat naman sila ay tumawa sa sinabi ni Maece.
Nakababa na kami sa van habang nakatingin sa papalapit na tao.
"Tara na nga." Aktong lalakad na ako ng harangan niya ang daanan ko. Hindi ako umiimik instead, hinintay ko ang gusto niyang sabihin.
Lumapit ang mukha niya sa mukha ko na siyang ikinagulat ko. Ano 'to? Hindi ako makagalaw, gusto ko siyang suntukin pero hindi naman pwede, basta. Wag kang assumera ha!
Mas lalo niya pang inilapit at naramdaman ko na lang ang kaniyang mainit na hininga sa bandang tainga ko.
"After class pumunta ka sa gym." And he left me or us na parang dumaan lang siya.
"Ano sabi?" Agad na lumapit yung tatlo saka tinanong ako ni Faye.
"Wala naman. Tara na." Iniwan kong puzzled yung tatlo at halata ko nga dahil di pa nakakagalaw sa pinagtatayuan nila.
First class na and our adviser is now lecturing kaso hindi ako masyadong focused dahil curious ako kung ano naman ang gagawin ko sa gymnasium at bakit niya ako pinapapunta don.
Alam ko naman na slave niya ako for one month and that's going insane because of this freaking boy called Rex. Wtf! Why am I keep confusing instead of listening to the class discussion? Tsk!
At dahil nga free-occupied ang isipan ko namalayan ko na lang na dismissed na and the monitor of the screen is on at pagmumukha ni Lawrenz Rex Chester ang nakikita kaya naman ang lahat ng babae dito sa classroom ay tili ng tili.
"Oh my geeee! Si Kingggggg!"
"Kyyaaaah, ang gwapo mo talagaaaaa"
"Please be mineeee"Naku! Ganyan ba siya kagwapuhan at lahat ng babae dito ay pinagtitilian o pinapantasya ang kagaya niya? Kaya ganun na lang din si Sofia kung mag pabebe? Nagpapa-cute na mukha namang clown sa sobrang puti kung mag lagay ng makeup sa mukha.
Inayos ko na ang gamit ko, mas mabuti pang umalis na kesa makita ko pa ang pagmumukha niya. Aktong nakatayo na ako ng bigla siya nag salita.
"Ooops! Ooops! Ooops! Aalis ka na agad?" Napapara ako dahil mukhang ako ata ang tinutukoy nito. Hinarap ko siya ng dahan-dahan kaya ganun na lang kung tumaas ang kaliwang kilay niya. Napataas na lang din ang kaliwang kilay ko. Ano ikaw lang marunong? Hmmp!
BINABASA MO ANG
The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)
Teen FictionA mission, which Elleciah has no choice aside from managing a company, she choose to take the university instead of the company. That's what she wanted, mission to take responsibility of their university. Elleciah Rackle Buenaventura, she pretended...