Chapter 13: Representative?

3.7K 129 13
                                    

Chapter 13: REPRESENTATIVE?

Bumaba ako dito sa kanto, syempre hindi ko kailangan na magpakita sa kanila na may koste ako baka kung ano ang isipin.

Isang nerd tapos may kotse with service? Actually bakit hindi diba? Hindi naman kasi lahat ng nerd sa paningin nila ay mahirap.
Pero as I conclude na ang mga estudyante sa RU ay mga mayayaman. Kaya ganon siguro ang paningin nila.

Lumakad lang ako ng lumakad nang may nakita akong kotse na kulay itim.  Halos parang sumasabay lang sa paglalakad ko ang speed nito.

Wala lang sa'kin baka mawawalan na ng gas kaya mahina na ang takbo ng kotse. Papasok na ako ng gate nang pumara rin yung kotse.

Ano ba?  Sinusundan ba ako o may bibisitahin siya dito sa school o ano? Napataas ang kilay ko na siya ring nagpa-alerto sa akin. Hindi ko rin ipapakita na malakas ako at baka anong isipin nila sa akin. But, why not? Not all nerds are weak!

Nakita kong pumara iyon, natural. Alangan namang ipasok niya pa yun sa loob, eh may parking lot naman dito pero meron ring parking area sa loob ng campus. Hindi pwedeng wala

Bumukas ang pinto at may iniluwal na isang lalaki. Naka school uniform at ngayon kilala ko na kung sino.  As in kilalang kilala ko talaga. Syempre. Nang tinignan ko siya ay nakatingin din pala sa'kin.

Umiwas ako ng tingin dahil kilala ko ito. Ayokong makilala niya ako.

"Hey,  Miss.  Ba't naglalakad ka mag-isa papuntang school?  I didn't expect na dito rin pala punta mo dapat sinakay na lang kita." Pabulong niyang sabi sa'kin. Naka lapit na pala sa'kin hindi ko man lang namalayan.

Napangiwi na lang ang labi ko dahil sa inasal niya. Lahat ng tao dito sa may labas ay tutok na tutok samin. Ako na agad ang unang umiwas sa kanya at pinag patuloy ang paglalakad para makarating na ako ng classroom.

Jusmiyo,  sana hindi niya ako makilala. Narinig kong tinatawag niya pa din ako pero hindi ko iyon nilingon. Alam kong hinahabol niya ako kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.

Naramdaman ko na lang na may humablot ng braso ko.

"Ano ba?" inis kong sambit.  Nilingon ko siya. Pero pakshit makikilala niya pa din yun kapag-------

Nawala ang pag-iisip ko nang bigla niya akong kinaladkad papuntang bench. Ano bang problema nito? Padabog niya akong pinaupo kaya umupo na lang ako. Ano meron sa lokong to?

Kung maka-asta kala mo naman kung sino.  Ayyytss.

"Bat mo ako iniiwasan?" Tanong niya na halong may inis sa boses nito. Nakatingin lang siya sa akin habang ako sa malayo ang tingin. Ayokong malaman niya na nag-disguise ako.

Syempre ikaw ba naman hindi mainis kung hindi mo pinapansin yung humahabol sa'yo. Oo na,  alam ko yun. You know,  ayoko lang makilala niya ako. Kaya nga disguise hindi ba kasi iyon ang purpose.

"Hah? Hindi kita kilala kaya hindi ko kinakausap." sabi ko na lang saka umiwas ng tingin. Halos matunaw na ako sa kakatingin niya sakin. Choss.

"Talaga lang ha? Hindi mo ko kilala? Maniwala,  mga pakana mo hah hindi na uso sa'kin 'yan. " ano ba 'tong pinag sasabi niya. Nako po baka nakilala niya ako.

Muntik ng tumaas ang kilay ko sa kanya buti na lang hindi niya masyado makita.

"Ay naloka na itong babaeng ito.  Bahala ka na nga dyan sa buhay mo!" inis siyang umalis at naglakad. Ako ayun naka tunganga.

Pumasok ako sa loob ng classroom as usual nandoon na yung tatlo kong kaibigan. At mas lalong nandoon na rin ang apat na lalaki na yun. Umupo na lang ako saka sinubsob ang mukha sa desk.

The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon