Chapter 26: Friday Game

386 27 3
                                    

Chapter 26: Friday Game

"Ngayong nakuha ko na, matutuloy na ang plano ko na sirain siya." Nakatayo ito kaharap ang glass wall at kitang-kita ang city. Nasa likod niya ang kanyang assistant para may ibigay.

"Nandito na rin ang files na pinadala, Mrs. Lee." Inilapag nito sa mesa ang envelope. Humarap siya at tinignan ang laman nito.

"Sabihin mo sa kanya on process na ang plano ko at pwede na siyang bumalik dito." Tugon nito sa kanyang assistant. Tumango ito bilang sagot at umalis na. Umupo siya sa kanyang swivel chair.

"Makikita mo kung ano ang hinahanap mo."

*****

"Sa tingin ko walang may maidudulot na maganda iyang, Mrs. Lee sa atin. Ano sa tingin mo, Faye?"

"Why don't you trust her decision, Maece?" Tumayo si Faye para kumuha ng tubig sa ref. It's light pero nasa baba pa rin ang tatlo. Wondering about Elleciah's decision.

"Saka we know her. Alam naman natin na para sa ikabubuti ang kanyang ginagawa. Don't you trust her?" Dugtong oa nito. Napaisip ang dalawa saka tumango tango.

"Basta ang plan natin for tomorrow, don't forget." Singit ni Sam.

"Oo na, oo na. Nako, kung ano-ano na lang talaga naiisip nito. Tara na nga may pasok pa tayo saka may 'plano' pa tayo." Indicating the plano word at saka sila nagtawanan. But, Maece still confused about what she said earlier. Umiling na lang ito at isiniwala sa isipan.

"Tadaaaaaa!" It's their vacant time kasi wala silang second class. Nasa gym silang walo. Yes! Silang walo. Ito yung sinasabing plano ni Sam. Their plans is to meet up in gymnasium and talks about the celebration.


"Anong tada, bakit tayo nandito?" Walang kaalam-alam na tanong ni Elleciah. Nag-apir naman sina Sam at Zayn na parang tuwang-tuwa bago ito nagsalita.

"We are here because we are setting for some occasion." Banggit ni Zayn.

Elleciah's POV

"What occasion?" Tahimik lang ang dalawa habang si Sam nakangiti ng malawak. At ito ding grupo ni Rex parang mga pepe si Zayn pang itong sobrang hyper sa kanila.

"We will celebrate your last day of dare tomorrow. We will having a great party! Yuhoooo!" Parang tanga naman itong Zayn na ito.

"Hindi naman kailangan 'yun! Para lang doon mag-aaksaya kayo ng oras? Huh! Naahh!" Sabi ko sabay talikod. Kaso bigla din nila akong hinawakan sa braso para pigilan.

"Alam mo, Ciah kailangan yun kasi matatapos na ang pagiging slave sa kanya. Yieeee!" Isa pa itong si Sam, mukhang excited na excited na parang kinikilig. Kung pwede lang mag-ship siguro itong dalawang energetic na tao ang ipagpa-partner ko. Kaso 'wag. Hindi ako sang-ayon.

"Ano tara na?" Nag-aya si Zayn na umalis kaya nagsialisan na sila at iniwan kaming dalawa ni Rex. Kita mo nga naman, kung makatingin ang isang 'to para naman akong may kasalanan.

"Huwag mo nga ako tignan ng ganyan, iisipin ko may kung anong umiikot diyan sa utak mo." Sabi ko dito. Umiiwas ako ng tingin at binaling na lang sa naglalaro ng basketball. Nang nakita ko bigla akong na-excite.

Iniwan ko nga siya at lumapit sa naglalaro. Nakisuyo ako kung pwede sumali. Bakit bawal ba? Binigay nila sa akin ang bola. Nasa half court ako pero bago pa man tinignan ko ang gawi niya. Nandoon pa din siya nakatayo habang naka-suot ang dalawang kamay niya sa bulsa. Tumitingin lang siya sa gawi ko.

The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon