Chapter 25: Her Goal

454 23 6
                                    

Chapter 25: Her Goal

Eto ako ngayon mukhang nerbiyos dahil kami na ang next na mag-peperform ni Gian.

"Mukhang hindi ka kabado, ah." Pabiro niya akong inasar. Hindi naman ako ganito feeling ko lang kasi may mangyayari. Hindi ko alam kung ano pati kamay ko nagpapawis na.

Pumalakpak na silang lahat kaya alam na. Nag buntong hininga ako bilang pampabawas ng kaba. "Kaya natin 'yan." Tinapik niya ang likod ko saka lumakad na sa harap. Sinundan ko siya saka nag-pwesto na kami habang nagsasalita ang aming instructor sa harap.

Hindi naman ako ganito in public showing my talent in dancing pero hindi naman ako ganun kagaling, I think. Nginitian ako ni Gian dahilan para mawala ang kaba ko at unti-unti na ngang nawala at bumalik sa normal ang nararamdaman ko. Alam kong nakatingin sina Rex dito pati nga din si Felix nandito, yung tatlo din nandito.
 

Naging maganda ang daloy ng sayaw namin hanggang sa narinig ko na lang ang palakpakan nila. Tapos na pala kami parang ang dali lang naman. Parang hindi pa kami tapos. Ganun pala ang feeling. Natawa na lang ako sa isipan ko at nag-bow na kami.

"Wow! What a great performance, Gian and Elleciah great job." Komento nito sa amin at nagpalakpakan ulit. Nilapitan ako ng tatlo habang si Gian inabutan ako ng maiinom.

"Wala kang sinasabi sa amin na may cute ka palang partner!" Mukhang kinikilig naman itong si Sam, kinalabit pa ako. Pinakilala ko si Gian sa mga friends ko at ganun din sina Sam. Nag-shake hands naman sila tapos itong si Sam nagpapacute naman.

Lumapit din sa pwesto namin si Felix habang si Gian naman nagpaalam. Nag-aya pala siya na mag-celebrate daw kami yung kami lang daw mamayang gabi. Nagpa-oo naman ako kasi yun lang naman and para makapag-thank you na din ako sa kanya.

"Bakit parang ang galing niya kanina kapag sumasayaw?" Pabirong puri nitong bagong dating. Tinaasan ko siya ng kilay.

"It's like watching paint dry." Dugtong nito. Hinampas ko nga.

"Huy! Grabe ka, ah! Pero pinatapos mo naman!" Tinawanan ako nina Maece at Sam habang itong si Faye may kinukulikot sa phone niya.

"Huy! Mukha kang busy jan?" Kinalabit ko siya para naman ma-aware. Mukhang may sariling mundo. Umiling lang siya saka tinago sa bulsa ang phone niya.

"Ay, wala. Si mama nag-text. Alam mo naman 'yun." Saka tumawa siya ng kunti. Tumango tango na lang ako.

"Tara kain tayo, treat ko." Pang-aaya ni Felix. My eyes widened.

"Ngayon ka lang ata nang-aya na kasama kami?" Nagtatakang tanong ni Faye. His mouth curved into a smile. Loko-loko talaga ang lalaking 'to.

"Tara na nga!" Aya ko sa kanila at ako na ang umuna sa paglalakad.

Nandito kami ngayon sa favorite restaurant ni Felix sa FGM's Restaurant. Ewan ko ba dito sa taong ito.

"Dapat natin i-celebrate ang maganda niyang performance kanina. Cheers!" Itinaas nga niya ang kanyang baso na may lamang strawberry shake habang kila Maece ay Chocolate flavor at ang akin ay Matcha flavor. Akala mo naman, e nag-iinuman.

Natawa kami sa pinagagawa namin. "Huy! Mukha namang binu-bully mo na ako niyan." Inirapan ko siya saka tinawanan nila ako uli.

"Bully ba 'yun? Buti nga pinupuri pa kita, e." Ang pilyo talaga nito. Sarap pitikin.

"Alam mo ikaw-" pintulol niya ako sa sasabihin ko.

"Oh, ano ako? Gwapo?" Huwow! Napasipol ako sa sinabi niya at ininom ang matcha ko habang sila ay tinawanan si Felix.

The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon