Chapter 32: Come back

245 20 1
                                    

Third Person's POV

Alas singko pa lang nang umaga nang magising si Maece dahil sa tunog ng kanyang telepono. Kinapa niya ito saka tinignan kung sino ang tumatawag. Sinagot niya naman ito agad nang makita kung sino bago umayos ng upo.

''Napatawag ka? May problema ba?'' bungad agad nito sa kabilang linya.

''I just want to check kung ano na nangyayari diyan sa HQ.'' tanong nito na may halong pag-aalala. Hindi sa nababahala si Elleciah sa kung ano na ang nangyayari sa kanyang grupo kundi ay gusto lamang ito malaman ang ginagawa ng bago nilang kasamahan na si Mrs. Lee.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya ang iniwang salita ni Cest noong gabing nalasing ito. Kaya naisipan niyang tawagan ang tumatayong pangalawang kamay.

''Habang wala ka, sinasanay niya ang mga members natin. Nakita ko din kung paano niya sanayin ang mga ito. Mukhang tama ang iyong pagkuha sa kanya.'' Sa kabilang linya ay tumango lamang si Elleciah bilang sagot kahit hindi ito nakita ni Maece kaya ramdam nito dahil sa hindi pagsagot agad sa kanyang sinabi.

''Teka, kamusta na 'yung pag-iimbestiga mo? May nalaman ka na ba?'' Nang maalala agad niyang tinanong para na din may malaman siya sa mga nalalaman ni Elleciah. Ngunit ang sinabi lang nito ay meron at hindi sinabi ang dahilan.

''Iyon lang naman ang gusto kong malaman, saka ko na sasabihin sa inyo kapag nakabalik na ako diyan. Bantayan niyo ng maigi si Mrs. Lee lalo na ang mga bawat galaw at kilos niya. Mag-iingat kayo. Bye.'' Hindi na hinintay ni Elleciah na magsalita pa si Maece at agad na pinatay ang tawag. Nagtaka naman sa kabilang linya si Maece sa sinabi nito hanggang sa napa-isip na lamang.

Dahil sa sinabi sa kanya ni Elleciah, hindi na siya nag-aksaya pa ng oras kaya bumangon na ito. Hindi sila umuwi ng mansion dahil sa HQ natulog ang tatlo.

Sa kabilang dako, nakasakay na sa eroplano ang mga magulang ni Elleciah. Dito sa Pilipinas ang kanilang punta sapagkat nandito ang kanilang kliyente. Isa na rin sa rason ay para maprotektahan ang kanilang nag-iisang anak dahil sa papalapit na maaaring mangyari.

''Should I inform her na bukas na ang dating natin sa Pilipinas?'' tanong ni Mrs. Agatha sa kanyang asawa. Tinignan siya nito bago nagsalita.

''Huwag muna dahil hindi tayo sa mansion didiretso kundi sa tatay mo.'' Nagtaka ang kanyang asawa sa sinabi nito. Hindi inaasahan na iyon ang kanyang sasabihin.

''Anong kinalaman ni Papa rito?'' Tila parang naguguluhan ang kanyang asawa. Hindi nito alam kung bakit doon ang rekta nila.

''Doon muna tayo sa kanila ng tatlong araw para na rin mapaghandaan natin ang pagharap sa ating anak.''

Napasinghap na lamang si Mrs. Agatha sa sinabi ng kanyang asawa bagamat alam na niya ang rason kung bakit doon sila didiretso at kung ano ang ibig nitong sabihin.

''Tama na rin ito, para makapaghanda sa ano mang pwedeng mangyari.'' Sabi nito sa kanyang isipan saka sumilip sa bintana. Ang eroplanong sinasakyan nila ay payapang lumilipad sa himpapawid habang nagpahinga ang mga ito.

Samantala si Elleciah ay maagang umalis sa mansion na hindi naka nerd style kundi ay totoong itsura na. Nakasuot lamang ito ng pulang jacket with hood.

Elleciah's POV

Maaga akong lumabas sa mansion habang ang mga tao naghahanda at naglilinis. Iniwan ko sila at sinabing may pupuntahan lang. Nagtaka rin si Yaya Mela kung bakit daw hindi ako pumasok ngayon at 'yung tatlo ay hindi raw dito natulog. Sinabi ko na lang na umuwi yung tatlo sa kanilang bahay.

The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon