Chapter 27: Game Over
''Ano ang mga 'yan?'' tanong ko sa kanila ng makita kong may dala silang- like party designs. May nakita na din akong nakalagay sa bawat pader na kung anong stickers at balloons sa ceiling.
''Don't you remember? We will be having a party tonight!'' masayang sabi ni Zayn. Bigla naman bumukas ang pinto at niluwal sina James at Kyle kasama sina Maece at Faye.
''Good morning, my dearest uh-h Ciah Ciah!'' saka binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti while hugging me. My eyebrows meet dahil sa mga nangyayari. Dumiretso akong kusina. Sinabihan na din ako ni Faye na may pagkain doong nakahanda.
After I ate dumiretso ako sa kwarto para maligo. Eksaktong pagkatapos ko magbihis pumasok si Sam at Faye sa kwarto.
''Oh, bakit kayo nandito? Mang-gugulo naman kayo?'' inunahan ko na sila. Kinuha ko ang towel saka pinunasan ang buhok ko para matuyo.
Sumampa si Sam sa higaan saka tinanong ako ''How's your mood today? I mean what are you feeling right now kasi at the end of the day hindi ka na slave?'' wika niya.
''And the game will be over.'' singit ni Maece na nakaupo sa may desk ko.
''Ano pa ba? Siyempre– at least wala na din akong makikita at makakasamang asungot in the same roof.'' I gave them a bitter smile.
''And also sa bahay na ako mismo titira at makakasama ko na kayo.'' umupo ako sa higaan and Sam immediately put her head on my lap.
''You will see him pa din kasi we're classmates.'' sabi nito habang nakatingin sa akin while brushing her hair with my fingers.
''And aasarin ka pa rin n'on for sure.'' singit din ni Maece. Lumapit siya saka umupo din sa kama.
''Bat pa kasi kayo nag dare nang ganyan edi sana walang ganito!'' bulyaw ko sa kanila na bigla namang ikinabangon ni Sam.
''Ooops! Not me! And besides, at least para magka-thrill ang ating life.'' ngi-ngising ngisi na sabi ni Sam.
''Lumabas na nga lang kayo para matapos na 'to.'' sabi ko sa kanila saka nagsitawa. Pagtawanan ba naman ako?
Dito na din sila nag-lunch dahil nagluto na si Faye. Sabay kaming kumakain habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa mangyayari mamaya. Mga excited naman ang mga 'to kala mo sila 'yung naipit sa larong ginawa nila. Mga loko!
Matapos ang ilang oras ay nagpaalam na sila para umuwi. Mamaya na daw ulit sila babalik kapag party time na. Naiwan ako at siya. Siyempre sino pa ba? Eh, kami lang naman nakatira dito.
''You excited?'' biglang tanong nito habang nasa likod ko. Papuntang kwarto na sana ako kaso napapara ako sa sinabi nito.
''Hmm'' I shrugged as my response saka tinungo ang sofa kung saan doon sila nag-lagay ng mga designs. With a balloons in the air, meron din sa lapag at may nakalagay na ''Happy one month, game over.'' sa pader.
''Alam mo 'yang mga kaibigan mo lalo na 'yang Zayn na 'yan may pagkaloko loko talaga. Iyan pa talaga ang nilagay nila.'' sabi ko dito habang tinuturo-turo ang nasa dingding.
Tumawa siya ng mahina. Bakit parang ang cute niya sa ganung bagay? Pero siyempre tinarayan ko pa din siya. Pagtapos n'un sinabihan ko na lang siya na papasok na ako sa kwarto para magpahinga.
''Huy, Ciah Ciah gising!'' bakit feeling ko may yumu-yugyog sa akin? Napaungol na lang ako sa inis saka nagtalukbong ulit. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kanina.
''Mag si-six thirty na at hindi ka pa ayos jan, ano na?'' bulyaw sa akin ni Sam habang may dalawang kamay na humahawak sa magkabilang kamay ko para gisingin ako.
BINABASA MO ANG
The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)
Teen FictionA mission, which Elleciah has no choice aside from managing a company, she choose to take the university instead of the company. That's what she wanted, mission to take responsibility of their university. Elleciah Rackle Buenaventura, she pretended...