Nang dumating na ang oras ay hindi na kami nagtagal pa sa labas. Hindi eksaktong alas nwebe kami umalis sa mansion. Pumasok na kami pero bago pa 'yun ay chineck muna kami ng security sa labas. At dahil hindi namin dinala ang aming pass― which is sa real arena lang kami nagpapakita ng pass namin and also kailangan namin ipaalam na hindi kami miyembro rito― pinakita ko ang card na binigay ni Sofia. Meron itong nakalagay sa pinakaibaba na QS1 saka tinignan nila ang hawak nilang litrato saka bumaling nang tingin sa amin.Oh, so nag-aksaya pa talaga siya nang effort para sa picture namin. Matapos no'n ay pinapasok na kami at ipinark ko sa bandang dulo ang kotse ko. It's color dark red kapag natatamaan ng ilaw but now it changed to black dahil nasa dilim na siya. That's my baby!
Nakita namin sa loob ng club na 'to sina Rex na naghihintay sa isang table. We act like we didn't know how this place works. Lumapit na kami sa kanila kaya lumapit na rin sila para um-order.
''Hindi sumama si Elleciah?'' napansin niya sigurong tatlo lang kami. Well, nauna na si Ciah Ciah sa amin and for sure nanonood lang siya nang laban doon na parating gusto sa isang sulok.
''Ayaw niya, hindi niya trip eh.'' I lied. Tumango lang ang dalawa.
''Paano nga ba magkaka-interest ang isang nerd sa ganito,'' I heard him whispered. Right, ganyan lang dapat ang tingin mo sa kanya para wala kang pagdududahan.
''Blue moon, please.'' Zayn told to the bar tender. Inosente kaming tumingin sa kabuuan nitong club. Napansin din siguro nila.
''This will serve as our passcode in entering UG.'' Sumunod na kami sa kanila. Nasa likod lang kaming tatlo ni Zayn habang si Kyle and Rex nasa likod naman namin.
Nang makarating kami sa pangatlong rest room, lumiko kami at nakita ang dalawang nagbabantay. Binigay ni Zayn ang dala niyang blue moon na agad namang tinanggap nila at tumabi. Sa pagtabi nilang iyon ay awtomatikong bumukas ang elevator kaya pumasok na kami.
Wala pang sampung segundo narating na namin ang palapag. Kung sa hagdanan kayo daraan siguradong aabutin ka nang tatlumpong minuto sa paglalakad. Sadyang mabilis lang talaga ang andar nitong elevator at hindi mo mamamalayan nakarating ka na pala in just ten seconds or less.
Lumabas kami at si Zayn pa rin ang nasa unahan. ''Just don't do anything. Don't mind other people at sumabay lang kayo sa amin. Bawal kasi rito ang outsider unless invited ka ng isang member dito sa UG.'' Yeah, we know. Hindi na kami umimik at pinagmasdan ang loob.
Still, eto pa rin ang sistema ng UG, sa isang malaking ring maglalaban ang mga bagong grupo o ang mga nag-aayang lumaban at sa kabilang side nitong malaking silid na ito ay doon mo makikita ang tunay na arena para sa pangkalahatan. Hindi rito ang daan papasok sa kabilang arena kundi ay ibang lugar naman ang tatahakin mo.
Ganito pa rin ang makikita at maririnig mo sa loob ng UG. Puro ingay, sigawan, at mga daing ng mga naglalaban sa loob nang malaking ring na ito. Ganun pa rin ang protocol, no killing.
Lumapit kami banda sa gilid ng ring at nanood lang. Maya-maya natapos na ang mga naglalaban at itinaas kung sino man ang nanalo. New gang group na sasali sa pang walong ranggo. I see.
Umalis na ang bagong grupo sa loob ng ring at tanging ang MC na lang ang nakatayo. Kung anu-ano pa ang sinasabi niya hanggang sa eto na ang hinihintay namin.
''Such an honor to meet again our Queen here inside the ring to have a quick fight with an outsider?!''
Queen?
Nagkatinginan kaming tatlo sa sinabi nitong nasa harapan. Nagkaintindihan kami sa isang tinginan lang saka ibinalik ulit ang atensiyon sa sinasabi ng MC. Ciah wouldn't do that unless kasama niya kami. Hinintay ko pa ang sasabihin niya na mas lalo naming ikinagulat.
BINABASA MO ANG
The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)
Fiksi RemajaA mission, which Elleciah has no choice aside from managing a company, she choose to take the university instead of the company. That's what she wanted, mission to take responsibility of their university. Elleciah Rackle Buenaventura, she pretended...