Chapter 33: A Day of Show

262 17 3
                                    


Pagkaalis ni Mrs. Lee saka ako lumabas para sundan siya kaso nakasakay na ito sa kanyang sasakyan. Agad kong tinawagan si Maece para makumpirma ang nabubuo sa aking isipan.

''Nandiyan na ba si Mrs. Lee?'' bungad ko sa kanya nang masagot ang tawag.

''H-huh? Wala pa bakit?''

''Alam niyo ba kung nasaan?'' Uuwi na ako ng bahay para magpalit. Pangalawang araw pa lamang ito ng training ni Mrs. Lee pero iba na pakiramdam ko sa kanya.

''Hindi, ang sabi niya lang magsimula na dahil mahuhuli siya ng thirty minutes.'' Agad kong pinatay ang tawag saka nagmadali umuwi.

Papasok ako ngayon ng school para mataan si Dean at para kausapin si Felix. Kung tama ang hinala ko magtatagumpay ang plano ko.

Pumasok na ako sa school at alam kong break time na kaya sa office ni Dean ako didiretso. Ngunit wala pa ako sa office ni Dean nang harangin ako nina Sofia.

''I thought na-kick out ka na sa school na 'to, laking tuwa ko lang.'' Aniya habang naka cross arm saka tinarayan ako. Pati mga alipores niya mataim din ang tingin sa akin na para bang kakainin ako ng buhay. Ayaw kong mapuno sa kanya baka mapano pa siya. Ayaw ko ring mag-aksaya ng oras sa mga walang kwenta niyang pinagsasabi.

''Ops! Where are you going?'' Tinaasan niya ako ng kilay habang hinawakan nina Allona at Nhica ang dalawa kong braso para pigilan ako. Dahan dahan ko tinignan ang kamay nilang dalawa saka binigyan ng malamig na tingin.

''Put your hand down.'' Matigas kong sabi habang poker face. Ayokong umabot sa punto na magdilim ang paningin ko sa kanila at baka kung ano pa ang matamo nila.

''Oh, so you're fighting now.'' Tumawa pa siya hanggang sa hindi ko inaasahan ang sampal galing sa kanya na ikinagulat ko. Pangalawa na 'tong pagsampal niya sa akin. The fuck!

''What the hell is your problem with me!'' Nagpupumiglas na ako sa pagkakahawak nitong dalawa at hindi ko na matiis ang basagin ang bungo ng babaeng ito. Nangigigil na ako.

''You wanna know why?'' hinawak hawakan niya pa ang baba ko na para bang isa akong tuta sa kalsada. Mainit ko siyang tinitigan dahil sa inaasta niya. Ano bang problema ng babaeng 'to at sobrang init ng dugo sa akin!

''I want you to get lost in this university.'' Muli ay sasampalin na sana ako ngunit wala akong natanggap. Tinignan ko kung bakit iyon pala ay hawak na ni Rex ang kamay ni Sofia para pigilan habang sina Zayn at Kyle sinita sina Allona at Nhica para tanggalin ang pagkakahawak sa braso ko.

''Subukan mong saktan ulit si Elleciah kakalimutan kong babae ka.'' Tinignan ko siya dahil sa sinabi niya. Kita ko sa mukha niya ang galit bago binitawan ang kamay ni Sofia. Inis itong umalis kasama ang mga alipores niya.

Bakit niya 'yun ginawa? Kung hindi lang siya dumating pinatikim ko na sana sina Sofia. Hindi pa ito ang panahon para bigyan sila ng leksyon.

''Okay ka lang?'' Bakas sa boses niya ang pag-aalala habang hawak-hawak ang magkabilang balikat ko. Bakit naman siya nag-aalala? O baka naman naawa dahil sa ginawa ng Sofia na 'yun? Tsk!

''I'm fine.'' Aalis na sana ako nang hablutin niya ang braso ko. Tinignan ko ito na may halong inis. Nagmamadali ako hindi niya ba pansin 'yun?

''At saan ka naman pupunta?'' napataas ang kanang kilay ko sa inaasta niya.

''Ano bang paki mo?'' binawi ko ang braso ko na siya namang binitawan. Siguro nabigla ko siya sa sinabi ko. Mukha naman siyang nainis sa sinabi ko dahil napatawa siya. Inis na tawa.

''Hah!'' nakapanghawakan pa siya na tila hindi makapaniwala habang tinuturo ang sarili niya.

''Ikaw na nga itong tinulungan ko ikaw pa itong galit?'' Ah, so 'yun ang ikinabubuntong niya? Tsk!

The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon