Chapter 31: Cest's Pain

233 18 2
                                    

Elleciah's POV

Matapos naming maghapunan niyaya ako ni Cest na uminom. Hindi ako nakapaghindi kasi nilabas na niya ang wine habang may hawak na dalawang wine glass. Tinignan lang ako ni Felix ''Masarap 'yang kinuha niyang wine.'' Anito.

Tumango ako bilang sagot. Habang tinitignan ko siya sa paglalagay ng wine nagsalita ito, napansin niya sigurong nakatitig ako dito.

''Don't worry, Felix will take you home after this.'' Sabay nginitian ako kaya napatingin ako kay Felix. Walang lumalabas sa aking bibig ni kahit isang salita kundi puro ang pagmasadan sila. Para akong naging pipi.

''Why don't you tell us your childhood story with Felix?'' bakit niya pa ako papakwentuhin, eh mukha namang alam na nya ang nangyari sa amin ni Felix. Or else may hindi siya alam.

''You know what, Cest when the first time na na-locate ko ang number niya, I'm really really excited and I asked her immediately na magkita kami. Alam ko namang eto si Elle nagdadalawang-isip but then, after she noticed my voice hindi na nakapaghindi.'' Unang banat nitong Felix, inunahan ako magsalita. Intro niya ba 'yun? For me kasi hindi related yung tanong ni Cest sa sinagot niya. Well, share niya lang.

Tumango-tango ako as my response to what Felix is talking about.  Eto namang si Cest pabalik balik lang ang tingin sa gawi ko at kay Felix.

Felix's POV

''And you know what...'' napapara ako sa sasabihin ko sana when I remembered na si Elle yung dinala ko sa secret place kung saan doon ko dinadala ang taong miss ko ng sobra. But Cest didn't know that.

Nakatingin lang silang dalawa na tila hinihintay ang kasunod kong sasabihin.

''Uh, and you know what, I remembered the time when Elle teased me na kesyo hindi raw ako tunay na lalaki kasi that time, yung mga batang lalaki binubully ako kesyo chubby raw ako so I cried. And then, Elle came up, nilabanan niya ang mga batang lalaki like wow! Ang tapang niya para awayin sila and napaalis niya. Ang sabi niya pa 'Hindi ka tunay na lalaki, hindi mo kayang ipagtanggol sarili mo.' Kaya ayon mas napaiyak ako sa sinabi niya.'' Tinawanan ako ni Cest habang si Elle mukhang nag-iisip kung natatandaan niya pa ba 'yun.

''Sinabi ko ba 'yun?'' sabi nito habang nagtataka.

''Oo kaya, tapos sabi mo pa nga 'wag ka ng umiyak, simula ngayon ako na magtatanggol sa'yo basta lagi mo lang akong tawagin' sabi mo ganun. Hmmp!'' umakto akong nagtatampo kaya nag-cross arm ako para totoong panggap pero sa isipan ko natatawa na ako.

That time, me and Elle became more closer to each other. Lagi na kaming magkasama and kapag nandiyan na ang mommy niya para sunduin laging ginugulo ang buhok ko bago siya umalis. Dinadala rin ako sa kanila para doon na lang din maglaro. Minsan nga sabay kami matulog ni Elle sa kwarto niya tapos magpapaunahan matulog. I miss the old us.

Tinawanan ako si Cest dahil sa inakto ko, isa pa 'to kilala niya na din ako for how many years kaming nagkasama since noong inampon ako ng adopted parents ko. Nalungkot ako nang bigla ko silang naalala. Miss ko na din sila.

''Ah, yes ako yung naging knight in shining armor mo tuwing may umaaway sa'yo pero dahil palagi na kitang kasama noon hindi na sila nagtatangkang awayin ka dahil kasama mo ako. Naks naman!'' tumawa si Elle nang pagkaganda ganda sa paningin ko. Ngayon ko lang ulit siya nakitang tumawa nang ganito kasaya at kaganda.

Parang tumigil yung buong paligid ko at huminto ang bawat pagbilang ng oras na tila wala akong marinig na ibang boses kundi siya at ang maganda niyang tawa. Nahihibang na ba ako o natatamaan na ako dahil sa iniinom kong whisky?

''Huy!'' Bumalik ang wesyo ko nang sikohin ako ni Cest. Habang si Elle nagtataka.
''Okay ka lang?'' tanong nito.

''H-Hu? Oo, ang sarap kasi nitong whisky.'' Dinahilan ko na lang itong iniinom ko kaya nagpatuloy ulit sila sa kwentuhan.

The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon