Chapter 22: Coming

743 35 3
                                    

Chapter 22: Coming

At dahil maaga pa naman naglakad lakad lang muna kami ni Lix dito sa campus.

"Kamusta naman 'yung dare niyo?" bigla niyang tanong na siya namang ikinagulat ko. Naalala ko na naman ang muntikan ng halikan na pangyayari. Tumaas ang balahibo ko dahil sa aking naalala. Nakakadiring pangyayari.

"Uhm, ayos naman ang lahat at malapit naman na isang lingo na lang." masaya kong saad sa kanya saka nginitian ng masigla. Isang linggo na lang talaga at mawawala na sa landas ko ang Rex na 'yan.

"Buti naman at matatapos na, wala na akong makikitang aaligid aligid sayo." Saka ginulo niya ang buhok ko. Ano ba naman 'yan nagmukha tuloy akong tuta.

"Ano tara na? Malapit na mag first class, hatid na kita sa classroom mo." He insist kaya hindi na ako humindi.

"Saan ka pala mamaya?" Tanong nito sa gitna ng aming paglalakad paakyat sa hagdanan. Medyo malapit na din kasi ang room ko samantalang siya, eh sa kabilang building pa.

"Hmm, hindi ko alam schedule ko, eh saka baka may practice ako mamaya." Humarap naman siya sa akin na nakakunot ang noo.

"Practice?" takang tanong nito. Oo nga pala hindi kami lagi nag-uusap kaya hindi niya din alam ang mga ginagawa ko.

"Hmm, oo may performance kasi kami sa P.E class kaya ayon may practice." Nginitian ko na lang siya.

"Hmm, sasayaw kayo 'no?" Saka tumawa siya ng mahina. Tawanan ba naman ako ng loko na 'to.

"Oo, ano kala mo sa akin hindi marunong sumayaw? Heh!" at ayon, inunahan ko na siya sa paglalakad. Hinabol niya naman ako habang tumatawa pa din siya.

"Ang cute cute mo kasi magalit, eh." Saka tumawa uli siya pero pinipigilan niya na.

"Ewan ko sayo pumunta ka na nga sa building niyo ma-late ka pa magiging kasalan ko pa." tugon ko dito saka napangiti na lang din.

"Oo na po, my bestfriend. Update mo kasi ako palagi para alam ko ginagawa ng bestfriend ko." Ang kanyang isang kamay ay nasa bulsa habang ang kaliwang kamay naman nito ang siyang iginulo niya sa buhok ko at sa pangalawang pagkakataon naging tuta na naman po ako. Nginitian niya ako bago siya umalis kaya nag wave na lang ako. Nakita niya siguro kaya nag wave din siya ng patalikod. Ngumiti muna ako bago pumasok.

Napansin ko na lang na nakatingin pala sa akin ang tatlo. Nagkunwari akong walang nakita saka umupo na parang hindi sila napansin.

"Huy!" bungad sa akin ni Faye.

"Hmm?" tinignan ko sila. Ang tatlo ay nakatingin talaga sa akin. Natatawa na lang ako sa aking isipan kung ano ba 'tong pinag-iisip nila.

"Ano yung mga paganun-ganun?" tanong ni Maece habang inaakto ang nangyari kanina sa pag-tap sa ulo ko.

"Anong ganun-ganun?" pagkukunwaring hindi alam ang sinasabi niya.

"Heh! Tumigil ka nga kunwari hindi pa alam. Ano pa yung pahatid hatid na nalalaman, hah?" sita sa akin ni Sam habang yung dalawa naghihintay din ng sagot ko.

"Ano ba kayo, bawal na ba akong ihatid? Eh, si Mang Arthur nga hinahatid ako papunta dito yun pa kayang bestfriend ko?" I reason out masyado lanng siguro silang malislyosya? Natawa na lang ako ulit sa aking isipan.

"Hmm, may point ka pero baka iba na 'yan, hah hindi mo lang sa amin pinapaalam hmm." Sabi ni Maece. Napataas naman ang kaliwang kilay ko sa sinabi nito.

"Alam mo ikaw kung anu-ano pinag-iisip mo, baliw ka ba?" sabi ko na lang dito.

"Saka ano ba kayo magkaibigan lang sila ni Felix 'no may iba atang nakalaan dyan kay Ciah Ciah. Oh, and speaking of nakalaan he is coming." Sabi ni Maece na napalingon sa may entrance na siyang sinundan din namin ng tingin.

The Campus Nerd Is A Secret Queen Gangster (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon