Axle's POV
Sa kalagitnaan ng pagkain namin ni Mela, nagring ang phone ko. Nang makita kung sino ang tumatawag ay sigurado na akong ano ang dahilan niya. Matapos magpaalam kay Mela na sasagutin ko muna ang tumatawag ay dumiretso na ako sa gawi ng comfort room.
"Axle! Where.are.you!?" Mariing singhal agad ni Dad sa kabilang linya.
"Manila." Walang ganang tugon ko.
"Manila!?" Paguulit niya, "And what are you doing there, huh!?"
"I'm having a dinner with Mela."
"What!? Are you insane!? Come back to the house now! Napapahiya ako sa mga bisita!"
Natawa ako nang bahagya, "Really, Dad? Sa mga bisita." Pagdidiin ko, "I know what you're up to, Dad. I was smart at the first place." Sabi ko pa, walang halong yabang. "I've been doing everything for you, Dad. Everything that even I don't want my course now---I still studied. Just for the sake of your wants."
"Oh, come on, Axle! Not now! Umuwi ka na rito at dalhin mo ang girlfriend mong mahal na mahal mo!" Sarkastikong sigaw niya sa kabilang linya.
Tiim-bagang akong tumingin sa screen ng cellphone ko bago ulit itinapat iyon sa aking tainga. "Para sa'n pa ang pagpunta niya riyan kung ipapamukha mo lang sa kanyang hindi siya kabilang?" Emosyonal na wika ko.
"Talagang dapat lang niyang malaman na kailanman hindi siya mapapabilang sa pamilya natin!" Sigaw na naman niya, "Go back here now and meet the parents of your future fiancée!" Nanguutos ang tono ng pananalita niya. Noon ay takot na ako kaagad sa t'wing sisigaw siya, pero hindi ko maintindihan ngayon kung bakit parang wala akong pakialam kung galit siya. Siguro dahil na rin sa mga pinagsasabi niya.
"No, Dad. I'm enjoying this night."
"Axle!" Ramdam ko ang hingal niya sa ginawang sigaw na iyon, "You're getting married to the inheritor of M corporation and you can't do anything about it!"
Matagal akong hindi nagsalita, pilit na pinapakalma ang sarili. "Please give me more time! I will deal with this!"
"Deal? Are you trying to make me laugh, huh? Go back here or else you won't be able to see your girl anymore! I know that you know what I'm trying to say here!"
Muli akong nanahimik nang saglit, huminga nang malalim at malumanay na nagsalita. "Yes, I know. I know that you'll do anything to destroy my relationship with Mela. Just for me to marry the girl I don't even know the name. That's why it's very tiring.." Ramdam ko na ang mainit na likidong pilit nagkukumawala sa aking parehong mata.
Ako mismo ang nag-end ng call saka isinandal ang sarili sa wall. Nasapo ko ang sariling noo, itinakip ang palad sa mga matang patuloy na ang pagbuhos ng luha.
"A-Axle..." kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses niya, ni Mela.
Dahan-dahang nilingon ko ang pinanggalingan nito at doon tumambad sa akin ang mukha ni Mela. Nakita ko pa kung paanong kumawala ang luha mula sa kanyang mata padausdos sa kanyang pisnge.
"M-Mela..." Naiusal ko na lamang kasabay nang paghakbang palapit sa kanya, pero hindi ko naituloy ang paglakad dahil iniharap niya sa akin ang kaliwang palad. Sinasabing 'wag akong lumapit sa kanya.
"K-Kailan pa?" Halos madurog ang aking puso sa tanong niyang iyon.
"A-Ang alin?" Alam ko ang tinutukoy niya pero hindi ko magawang magbigay ng sagot ngayon. Masyadong magulo ang sitwasyon at nakakagulat na nalaman niya ito ngayon.
YOU ARE READING
Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]
Random[On going] Chona Tzier Alveol is a big fan of Chaser Dan Ascore, one of the heartthrobs in Cap University. All the girls are after him, but no one got his attention because he doesn't care at them at all. After Chona met Carmela (Mela, the main char...