Chona's POV
Oh yes! Kung sinuswerte ka nga naman!
Muling lumakas ang ulan kaya pinapasok niya ako sa kotse niya.
Grabe! Swerte ko talaga!
"Address?" Napangiti ako ng hingiin niya address ko. Hinagot ko naman siya ng mabilis at kumpletong address.
"Tch. Malas." Pabulong niya itong sinabe sa sarili pero malakas ang pandinig ko.
"Sino? Ako?!" Tinaasan ko siya ng kilay.
Hindi ako malas, noh? Never! Swerte swerte ko eh!
"May kasama pa na tayong iba?"
Halos maginit ang ulo ko pero pinigilan ko lang na sumabog ito. After all si Chaser ang nagpainit ng ulo ko, at makita ko lang siya ay kakalma na ako.
My ghad! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala!
"Bakit ang pogi mo?" Wala sa sariling wika ko.
Kanina ko pa siya tinititigang magdrive, alam kong alam niyang nakatitig ako sa kanya. Magaling lang talaga siyang mangdeadma. Pogi talaga niya eh.
"Mind your own business." Malamig niyang wika, ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Parang gusto kong ayusin ang buhok niya kaso baka magalit sa akin. Bagay talaga sa kanya 'yong bagsak na buhok. Para siyang koreano tignan. Ang puti pa niya at ang tangkad. My grad! You're perfect Pretty Boy Ko! Ngayon ko lang napansin ang panginginig ng kamay niya.
Kumunot ang noo ko ng mapagtantong buong katawan na niya ang nanginginig.
"A-are you okay?" Nagaalalang tanong ko. Hindi niya ako sinagot. Patuloy pa rin ang panginginig niya.
Nakarinig ako ng mahihinang mura sa kanyang labi. Sinuntok pa niya ang monobela na ikinagulat ko.
"Shit..." muli niyang mura saka ginulo ang buhok.
Napahinto kami sa gitna ng daan, nawalan siya ng gas.
"Really? Ugh! Why now!" Hindi ko akalaing ganito pala ang itsura niya kapag naiinis. Pogi pa rin naman, pero ngayon pogi na cute pa.
Don't be like this, Chaser! Naiinlove ako lalo eh!
"Ahh!" Muli siyang napasigaw, "Lowbat pa." Bumuntong hinga siya saka inuntog untog ang ulo ng mahina sa monobela.
Why are you so damn cute even you're irritated?
"Can you please stop smiling?" Halata mo sa boses niya ang pagkairita.
"Aba? Bakit? Bawal ng ngumiti?" Pabalang kong wika na ikinahaba ng nguso niya.
"Damn. Ang malas mo talaga." Aniya saka pinagmasdan ang lakas ng ulan at hangin.
We are stranded... Oh.my.ghad. Pero--- kasama ko si Chaser! Kaya okay lang! Hahah!
"I said stop smiling!"
"Bakit ba?! Anong masama?!" Pinantayan ko ang taas ng boses niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na sumisigaw siya. Pagkakaalam ko lagi siyang kalmado.
Well, I'm not disappointed. Natutuwa pa nga ako na nagpapakita siya ng ibang anyo niya eh.
Wait--- does it mean...? Nagiging totoo siya kapag ako ang kasama niya? Oh my ghad! Ikaw Chaser hah! Gusto mo talaga ako eh, noh?
"Shit... tumataas tubig." Hindi siya mapakali.
Lumakas kasi lalo ang ulan at hangin, kaya tumataas naman ang baha. This is not good. Baka pasukin kami ng tubig.
YOU ARE READING
Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]
Разное[On going] Chona Tzier Alveol is a big fan of Chaser Dan Ascore, one of the heartthrobs in Cap University. All the girls are after him, but no one got his attention because he doesn't care at them at all. After Chona met Carmela (Mela, the main char...