Chapter 24

50 4 1
                                    

Myna's POV

"And where did you go? You are almost 2 hours late." Magkakrus ang mga braso ko at nakasandal sa pinto.

Kakarating lang kasi ni Chaser. Hindi ko naman siya sesermonan, madami lang talagang tanong ang pumasok sa utak ko.

"My friend." Malamig niyang wika.

Tumayo ako ng maayos at tinapatan siya. Tinaas ko pa ang aking kilay. "Isa lang kaibigan mo, 'di ba? Tachio. I contacted him and he says he's not with you." Parang nagtataray lang ako pero hindi talaga. Hindi naman ako gan'on kaistrict na ate to them. I just want to know where did he really go.

"New friend."

Natawa ako sa sinabe niya. "Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigang bago, hah?" Taas kilay kong tanong.

"I'm tired."

Woah!

Nilagpasan niya ako na parang hindi ko siya kinakausap. Kahit kailan talaga hindi mo makakausap ng matino 'yang si Chas.

"Oh ano? May napala ka? Naghintay ka pa." Natatawang wika ni Chan, "'Wag mo na kasi siya pakialaman. Matanda na 'yon." Dagdag niya bago itinutok muli ang sarili sa TV.

Umirap na lang ako sa hangin saka bumuntong hininga pa.

Hindi maalis sa akin na magisip. He's acting strang lately. Nung nakaraang araw sabi ni manang bigla na lang siyang tumakbo at umalis gamit kotse niya. Tapos hindi pa siya bumalik nung gabing 'yon. I smell something, something different. What's with him? Nakakacurious naman. Gosh.

***

Naglalakad ako sa hallway papuntang classroom ko ng biglang pagkumpulan ako ng mga estudyante. "What's with them?" Nagtatakang bulong ko sa sarili. Ang sama ng mga tingin nila. Parang may ginawa naman akong mali.

"Get the hell out of my way." Taas kilay kong wika ng harangan ng isang babae ang daan ko. Wait--- I see... siya 'yong girlfriend ng kupal na 'yon.

"You really are a bitch." Nakangising wika niya sa akin.

Mahina akong tumawa, "Yeah? Well, I know." Hindi ako nagpatalo at sinabayan ko ang nanlilisik niyang titig.

Bitch!

May biglang nagbato mula sa aking likuran. Bola ito ng football. Hindi ko pa man nalalaman kung sino ang bumato nito ay nagsunod sunod pa ang pamamato nila. Nasasaktan ako pero hindi ko magawang lumaban. Tuloy tuloy ang pagbato nila sa akin sa iba't ibang parte ng katawan. Kung inalis ko ang pagkakatakip sa aking ulo ay baka mabagok ako.

Bitch! Kung nakawala lang ako!

Hindi sila natatapos sa pagbabato sa akin. Mga bwisit silang lahat.

Nang tumigil sila ay kaagad akong tumayo. Mabilis akong tumakbo sa girlfriend ni Taft saka hinatok ang nakalugay niyang buhok.

"Let me go! Ouch!" Hinila ko siya na tanging buhok lang ang hawak ko. I know it hurts like hell.

Parang natakot ata ang lahat ng bumato sa akin kaya nakayuko na sila. Nasa gitna kami ngayong dalawa at pinapalibutan kami ng napakadaming estudyante.

"Let me go bitch!" Halos nakahiga na siya dahil hawak hawak ko pa rin ang buhok niya.

Nagpupmiglas siya ngunit hinihigpitan ko ang paghawak pati na rin ang paghila sa buhok niya. Paulit ulit niya akong sinigawan pero wala akong pakialam. Inilibot ko ang tingin ko sa lahat ng namato sa akin, mabilis silang nagiwas ng tingin. Mga duwag! Kaya niyo lang nagagawa 'yon dahil madami kayo! Sinipa ko siya na naging dahilan para mapasubsob siya sa semento.

Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]Where stories live. Discover now