Chapter 46

102 10 2
                                    

Chona's POV

"Where do you want to eat?" Nakangiting tanong ni Chaser sa akin.

Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi pa rin ako makapaniwalang andito siya ngayon sa tabi ko. At boyfriend ko na siya! Gusto kong sumigaw kanina ng todo todo pero hindi ko magawa! Kilig na kilig ako pero pinipigilan kong sumabog!

"Hey," tinabig pa niya ng bahagya ang balikat ko dahilan para bumalik ako sa reyalidad. "I'm asking you.. where do you want to eat?" Paguulit niya sa tanong.

"Ahh.. o-oo. Oo. Kahit saan.." uutal utal kong sabi.

Bahagya siyang natawa at ikinagulat ko iyon. Si Chaser, natawa! Totoo ba ang nakikita ko?! "Sige.. do'n nalang tayo.." aniya na inginuso pa ang isang restaurant. Hindi naman na ako tumugon pa.

"B-bakit?" Naiusal ko na lang bigla nang ilahad niya ang kanang kamay sa akin.

"Anong bakit? Boyfriend mo 'ko, 'di ba? Bawal ba kitang maka-holding hands?" Painosenteng tanong pa niya.

Saglit ko siyang tinitigan at saka ko lang inabot ang aking kamay.

My gosh! Pakisampal ako please! Is this real?!

Ngingiti ngiti pa siyang napapailing habang pinagmamasdan ang reaksyon ko. "Come, baby.." na ikinagulat ko na naman!

"B-Bbaby?" Patanong kong sabi.

"Why? Ano ba gusto mong tawagin natin?" Nakangiting tanong niya!

Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayare hanggang ngayon! Kung sakaling panaginip lang ito ay pakiusap! Gisingin niyo na ako! Baka mawili ako at hindi na gumising pa!

Humalakhak siya at lalo akong naguluhan, "If you don't want baby then what will we call to each other?"

Ilang beses akong napalunok habang titig na titig sa mukha niya. Gusto kong sampalin ang mukha ko malaman lang na totoo ito. "Ahh.." tanging naiusal ko na lamang.

"What?" Nakangiti paring tanong niya.

Parang pinapatay ako ng nga ngiting iyon! Bakit ba ako natatameme ngayon? Noon ay ang tapang tapang kong maghabol! Ngayong nakuha ko na siya hindi naman ako makapagsalita! Ano ba?!

"O-Okay na 'yon.." pilit ngiting sinabe ko.

"Good.." usal niya saka ako hinila palapit sa kanya, napapikit ako nang bigla niyang ilapit ang mukha sa akin. "You're so beautiful, my baby.." bulong niya!

Tss.. akala ko hahalikan na ako e! Hmph!

Ano ba 'tong iniisip ko? Napakadaming tao malamang ay mahihiya siya! Baliw!

Naramdaman ko nalang ang paghatak niya sa akin hanggang mapunta na kami sa loob ng isang restaurant. Maganda ang loob ng restau na ito, hindi siya ganoon kalaki pero alam mong mamahalin. Sadyang pangdalawa lang ang bawat table dito, para lang talaga sa mga couples. Agad kaming nilapitan ng waiter at inabot sa amin ang menu, nakatayo lang siya hinihintay ang order namin.

"What's your specialty here?" Kaswal na tanong ni Chaser habang sa menu pa rin nakatingin.

"Our specialty here is the white pasta with a heart of chicken, it's more likely a carbonara with a twist. Which is the heart of a chicken." Taas noong sagot niya.

P-Puso ng manok?! Sa carbonara?! Wtf?!

"Best seller?" Tanong pa ni Chaser.

Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]Where stories live. Discover now