Chona's POV
Things are getting faster and faster. Akalain mo 'yon? Halos magda-dalawang buwan ko ng nililigawan 'tong si Chaser. My ghad! Pero hanggang ngayon ay wala man lang nagaganap. Nakakainis talaga pero hindi ako susuko. Isa pa at malalapit na ang birthday niya!
Sa susunod na araw ay birthday na niya, sa August 8, hindi ko pa alam hanggang ngayon kung anong pwedeng iregalo ko sa kanya. Isa pa ay hindi ko naman alam kung invited or tatanggapin ba niya ang regalo ko. Hay.
"Punta kayo sa birthday party sa bahay, ah?" Anyaya ni Channel, kumakain kami ngayon sa cafeteria dahil afternoon break na namin.
"Sabay kayo ng birthday ni Chaser, 'di ba?" Ngiting ngiti na tanong ko.
"Ayy hindi teh, hindi sila sabay. Hindi kasi sila kambal, eh!" Si Crisitina na aniyang namimilosopo. Tumawa naman kaming apat.
"Are you going too Cristina?" Baling naman ni Channel sa kanya.
Kunware pa siyang nagmaganda, "Sorry, gustuhin ko man ay hindi ako makakapunta." Anito na may paghawi pa ng buhok.
"Bakit naman?" Usisa ko.
"Pake mo teh? Hahaha! Charot! May kailangan kasi akong gawin eh." Pagsasagot niya, "Sorry."
Tumango naman si Channel, "Yeah, okay lang," kaswal na aniya."Anong gift gusto mo?" Tanong naman ni Mela kay sa magbibirthday na epal kong kaibigan.
"Tumatanggap ako ng kahit ano." Aniya saka ngumiti pa at itinuon na ang sarili sa pagkain.
Ano kayang ireregalo ko dito sa kupal kong kaibigan? At saka...
"Ano kayang gustong regalo ni Chaser?" Wala sa sariling napangiti ako at napatingala sa langit.
"Ayan na naman ang bakla," Natatawang ani Cristina.
"Bakit? Bawal bang malaman 'yon?"
Nagtinginan ang tatlo, "You wanna know what he wants?" Si Channel. Mabilis akong tumango. "Ask him!" Saka sila nagtawanan.
"Edi wow! Talaga lang, hah? Kala mo naman bibigyan kita ng regalo! No way!" Umirap pa ako. Lalo lang silang tumawa.
Kainis naman! Palagi nalang ako ang binubwisit nila! Bahala nga sila!
Dahil may group project si Mela ngayon ay magisa lang akong uuwi, syempre dahil kailangan kong malaman ang gusto ni Chaser, aabangan ko siya.
"How many times I should tell you that sto---"
"Shhh!" Pagpuputol ko sa kanya at nginitian pa siya, "Anong gusto mong regalo?" Deretsong tanong ko na ikinakunot niya, "I know your birthday, so what gift you prefer to receive?" Ngiti ko pa.
"I'm not into receiving gifts. Besides, I don't want to receive any gift from you." Deretsong sagot niya. Aray hah!
"Do you prefer sweet or salty ones?" Pagiiba ko ng tanong.
"Or."
"Phft!" Lumubo ang pisnge ko dahil sa pagpipigil ng tawa. Hindi ko naman alam na... "marunong ka pala magjoke?" Tawang tawa ako sa aking isip.
Ngumisi siya, "As if I am?" Malamig niyang wika. "I just don't want you to know what I want or not." Dagdag niya.
Sumimangot ako na nagpacute pa.
"And do you think you looked cute that way?" Natawa siya ng bahagya, "Uglier." Ang sakit naman niya magsalita.
"Oo na! Alam ko ng pangit ako!" Singhal ko sa kanya, baka bawiin kasi niya eh kasi kunware galit ako.
YOU ARE READING
Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]
Diversos[On going] Chona Tzier Alveol is a big fan of Chaser Dan Ascore, one of the heartthrobs in Cap University. All the girls are after him, but no one got his attention because he doesn't care at them at all. After Chona met Carmela (Mela, the main char...