Chapter 43

69 5 0
                                    

Chaser's POV

It's friday.

Nang tumunog ang alarm clock ko ay agad na akong bumangon para maligo't magayos. Pagkababa ko ay sinalubong ako ng ngiti ni ate..

"Good morning, Chas!" Nakangiting bati pa niya na tinanguhan ko naman.

Kumain lang ako ng bahagya para hindi magutom sa klase. Pero pinilit ko lang talaga ang pagkain ko kasi wala akong gana sa lahat.

Ini-start ko na ang koste ko saka umalis na.

Parking lot.

Limang minuto na ata akong nandito lang sa parking lot. Nagiisip ng kung ano ano.

Medyo nagulat ako ng biglang may kumatok sa bintana ko.. Isang batang halatang musmos, lalake siya at mga masa edad na anim. Inaabot niya sa akin ang kamay niya na animo'y humihingi ng pera.

Lumabas na muna ako sa kotse bago siya abutan ng kaunting pera.

"Salamat ho.. maraming salamat ho talaga.." sinserong sabi niya at tinanguhan ko naman siya.

Pinanood ko siyang makaalis hanggang hindi ko na siya matanaw pa. Tumalikod ako at humarap sa direksyon papuntang room ng bigla akong makakita ng kamay na may inaabot na soy milk!

Agad ko iyong inangatan ng tingin at nakita ko si Alveol na nakangiting nakatingin sa akin.

"Paano kita makakalimutan niyan e nakita ko na naman ang kabaitan ng puso mo.." aniya na tinutukoy ang pagbigay ko ng pera sa bata. "Big time ka talaga e noh? Payb hwandred pa binigay!" Natatawang dagdag niya.

Gustuhin ko mang tumawa hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Kaya pilit nalang akong ngumiti.

"Hanggang ngayon ba naman hindi mo parin 'to tatanggapin? Sige ka.. magsisisi ka niyan.. ikaw din." Sabi pa niya ng nakangiti parin.

Ewan ko pero pakiramdam ko may mali sa ngiti niya. "T-thanks.." sabi ko saka kinuha ang bote ng soy milk.

"Isa nalang ang kaya kong ibigay sa'yo e. Naubos na pera ko non kakabili. Haha." Biro niya kaya naman napangiti ako sa kanya.

Why do you need to pretend that you're strong?

"Thanks.." muling lumabas sa bibig ko.

Tumawa siya kaya naman taka akong tumingin sa kanya, "Ano ka ba? Hahaha! Thanks ka ng thanks baka mamaya iba na naman maisip ko niyan! Ikaw din.. ma-in love ako lalo!" Biro na namin niya at ngumiti naman ako.

Saglit na katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa.

"I'm sorry for what I did to you.." sinsererong sabi ko.

Napatingin naman siya sa akin, "Ha? Wala 'yon! Saka ako din naman ang me kasalanan non e. Masyado akong makulit at mapilit! Haha!" Tawa pa niya pero nanitili akong nakatingin sa kanya.

I want to see your smile and laugh like before..

"Chona.." gulat siyang napatingin sa akin ng banggitin ko ang pangalang niyang iyon. "Do me a favor. Come back to m---"

"Ano bang sinasabe mo, hoy?" Pagputol niya sa akin. "Hindi mo kailangang maawa sa akin, noh? Okay lang ako so hindi mo kailangang magalala pa." Aniya saka ako hinarap at nanunuksong tinignan. "Ikaw ah? First time mo akong tawagin na first name ko! Hahaha! Naku.. sayang." Dagdag niya kaya taka akong napatingin sa kanya.

Sayang ang alin?

"Guess this is the last time na mabibigyan kita ng soy milk." Napapailing ngunit natatawang sabi niya. "Pero at least? Sa huling pagkakataon na mabibigyan kita ng ganyan e nasabi mo na ang pangalan ko! At tinanggap mo pa ang soy milk ko! Hahaha." Kahit tumatawa siya ay ramdam ko ang sakit sa loob niya.

Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]Where stories live. Discover now