Chapter 32

50 6 0
                                    

Chona's POV

Bukas na ang acquaintance party pero hanggang ngayon wala pa rin akong isusuot. Hindi ko rin sure kung pupunta ba ako o hindi. Wala naman akong partner eh, gusto ko sana si Chaser kaso wala akong lakas ng loob para alukin siya.

Si Channel at Mela ay napagdesisyunan nilang sila nalang ang maging magpartner. Tapos ako, eto, wala na naman. Hay. Buhay nga naman oh.

Uwian na at naglalakad ako magisa, natanaw ko si Chaser sa hindi kalayuan. Naglalakad din, papunta siyang parking lot.

Parang may sumapi sa akin para tumakbo papunta sa kanya. "Chaser." Naghahabol tuloy ako ng hininga.

Nilingon niya ako na as usual ay walang ekspresyon ang mukha. "What now?" Anito na walang gana.

"Are you going?" Nakangiting tanong ko.

"If you're pertaining about the acquaintance party, my answer is yes." Pormal niyang sagot.

Napangiti ako at nakaramdam ng hiya, "So... can we be partn---"

"Of course," Pagpuputol niya. "never."

Parang tinusok ng isang katutak na karayom ang puso ko. Ang sakit sobra. Parang maiiyak ako na ewan.

"May partner kana?" Ang tanging lumabas sa bibig ko.

"I don't have one, and I'm not planning to have one." Tinalikuran niya ako ngunit hinablot ko ang kamay niya.

Sinamaan niya ako ng tingin saka hinawi ang kamay ko, "I don't want to be your partner. I refuse your offer. Is that enough for you?" Napangiti nalang ako ng tipid saka tumango.

Why does it hurt so much?

"O-okay... sorry for wasting your time..." tinalikuran ko na siya at hindi pa nilingon pa.

Pakiramdam ko ay tutulo na ang luha ko ng wala sa oras. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay nanghihina ako. Mabagal na akong maglakad at nakayuko lang.

Bakit ba ang tanga ko? Bakit ba habol pa ako ng habol?

"What's with that long face again, huh?" Boses na narinig ko mula sa aking harapan na naging dahilan para magangat ako ng tingin.

"Oh? You're here, Yuiji." Kahit nahihirapan ay pinilit kong ngumiti.

Kununot ang kanyang noo, napansin ata ang pagkapeke ng ngiti ko. Bumuntong hininga siya saka inilipit ang mukha, inuusisa niya ang kabuuan ng mukha ko.

"Okay, ano na naman ba nangyare?" Ang bilis talaga niya mabasa ang nararamdaman ko.

"Nothing, I'm fine."

Natawa siya, "Hindi ko naman tinanog kung okay ka o hindi eh. Well, alam ko namang hindi so what's the sense of asking it?" Hinawakan niya ang kamay ko at hinila. "Tara..." tumakbo siya kaya wala akong nagawa kundi sabayan ito.

Tinahak namin ang parking lot at tumigil sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan, ewan, pero pumasok ako ng walang alinlangan.

"San tayo pupunta?" Ngayon lang ako muling nakapagsalita.

Ngumiti lang siya.

Nanahimik nalang naman ako.

Nasa loob na kami ngayon ng mall at hindi ko alam kung bakit niya ako dinala dito. Date? Pero mukha namang hindi date ang ipinunta namin dito eh. Ano?

Hinatak niya ako bigla papasok sa isang bilihan ng mga damit. "Here..." inilibot niya ang tingin at napangiwi pa. "Choose." Aniya kaya kumunot ang aking noo.

Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]Where stories live. Discover now